ENERO 30, 2023 nang maramdaman ang pagbabago sa mundo ng broadcasting sa pamamagitan ng bagong tunog, balitaktakan sa umaga, alas-6 hanggang alas-8 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.
Pasok din sa netwide ang dumadagundong na banters ng TANDEM.
Ang TANDEM ay humahataw ng unscripted banter para sa mga hitik na general information, balita, opinyon at patas na komentaryo.
“Binuo ang TANDEM para mag-offer ng ibang putahe sa medium ng radio at susunod na chapter niyan is digtal na parang teleradyo o radio –TV. Kakaiba (ang Tandem) in a sense na mayroon kaming hard news na hindi naman scripted ang banter namin, at the same as much as possible pinapagaan namin ang mabibigat na istorya na hindi naman nawawala sa topic,” ani Tandem Jon.
Versatile din ang TANDEM dahil kaya nilang talakayin ang mga hard news na nagtataglay ng technical words subalit kayang mapagaan ang paghahatid ng balita upang maunawaan ng kanilang masang listeners at viewers.
“Isang senator ang nagkomento na our program is magaan pero malaman,” sabi ni Jon.
“TANDEM na pagsasamahan ng dalawa, na bahagi ng broadcast media na mahabang panahon. Sinuportahan namin ang direksiyon ng Aliw Broadcasting Corporation, para magkaroon ng dalawang magkaibigan, magkakilala, na parang nagkuwentuhan lamang , at the same time habang nagkakape na pag-usapan na gusto ng ating tagasubaybay na marinig nila na gawing light ang usapan sa gitna ng mabigat na isyu sa lipunan pero once na may nakita naman ‘yung TANDEM, na dapat na bigyan ng mabigat na komentaryo ay pinag-uusapan namin, nagkakaroon kami ng from time to time ng pag-uusap para mas maibigay namin nang mahusay ang komentaryo ng naaayon sa mataas na pamantayan at the same time mas lighter ang dating sa publiko,” ayon naman kay Tandem David.
TANDEM: GOLD BREAKFAST, PUWEDENG TAMBAYAN
Ang TANDEM ay bagong ‘almusal’ at best na tambayan sa umaga dahil kumpleto rekados sa mga mga impormasyon na kailangan ng kanilang listeners at viewers.
Mula sa mga bagong balita, mga water interruption, weather at travel o rerouting advisories ay ilalatag ng TANDEM.
“Kaya umaga, gusto naming maibigay ang impormasyon sa ating mga biyahero ‘yung ating magsasaka, manggagawa na sa umaga equipped na sila, habang sila ay nag-aalmusal, habang sila ay naghahanda sa trabaho ay equipped na sila ng mga balita na dapat nilang malaman para maging gabay nila sa araw-araw o sa mga oras na darating at iyon ang panahon na fresh ang isipan para sa malaking balita at sa tanghali at sa hapon
Sabi nga sa kasabihan, ‘yung breakfast ay gold, lunch silver at dinner bronze kaya sa umaga ginawa namin ang tandem para mas mahalaga ang magiging papel namin para sa kapakinabangan ng aming mga viewers at listener,” dagdag pa ni Tandem David.
DAVID AT JON
Hindi matatawaran ang mga karanasan, kaalaman at kapita-pitagan sa industriya ang “lumang bago” na TANDEM na sina David Oro at Jon Ibañes.
Sa pangalan pa lang nila, alam na ng lahat na NAGBABALITA NANG TAMA AT NAGLILINGKOD NANG TAMA.
Sa mahigit tatlong dekada nila sa industriya ng broadcasting o pagbabalita at komentaryo, nakamit na nila ang pangmalakasang karanasan at respeto.
Mga veteran broadcast journalist kung sila ay ituring sa industriya ng pagbabalita at partida na ang kanilang pinanggalingan na itinuring na ace broadcasting corporation.
Sa karanasan pa lamang nina David at Jon na nagsimula bilang PA o producer assistant hanggang maging roving reporters at anchors ay malulula sa yaman ng kanilang kalaaman.
Ang pagiging beat reporters ang nagdagdag ng todong kaalaman sa TANDEM.
Si Jon ay hindi lang pampulis at pang-sundalo, kundi pampulitiko pa ang coverage kaya naman nahasa ang kaalaman nito sa tama at balanseng bagbabalita.
Ganoon din naman si Tandem David na pinanday ng mga kontrobersiyal na balita kung saan siya mismo ang saksi sa malalaking kaganapan sa bansa gaya ng Glorietta blast noong 2007.
Kapwa rin naging anchor ng mga kilalang programa sa radyo na tinangkilik ng milyong-milyong listeners, sa Pilipinas at sa labas ng bansa.
CHALLENGE ACCEPTED: DAVID + JON VS MGA “GOLIAT” SA PRIME TIME
Kaya naman pinili ng Aliw Broadcasting sina David Oro at Jon Ibañesz upang maging pambato sa umaga ng DWIZ at Aliw 23. Foster boys ng Himpilang Todong Lakas at handang makipagsabayan sa Prime Time.
Bagaman kapwa veteran broadcast journalist, malaking hamon pa rin sa TANDEM ang sumagupa sa mga Goliath ng Prime Time mula sa mga malalaking radio station.
“Ang morning show na Prime Time, naging hamon din sa amin na patunayan na hindi lang sila ang dapat pakinggan at panoorin. Aminin natin na mas beterano sila, mas alam na nila ang pasikot-sikot, pero sa pagkakataong ito baka may sawa factor na rin sa viewers and listeners so, bagong mukha, bagong diskarte, pinagsama, so parang putahe iyan, kung laging paella o masasarap na pagkain, subukan naman nila ang iba,” ani Tandem Jon.
“Best option sa panahonng ito dahilan sa ang kagandahan ng Tandem, hindi man kami ang pinakamagaling pero kahit paano hindi naman kami maiiwan at kagandahan nito ang DWIZ sa bagong mukha nito ay hindi lang radio kasi mayroong TV, Aliw 23 so radio na TV pa!”, pagbibigay-diin ni Tandem David.
Sa pagpasok ng TANDEM sa DWIZ, pumik-ap ang istasyon na ngayon ay pasok na sa social media at tiniyak na kayang sumagupa nina David at Jon para tapatan o mahigitan pa ang iba.
“Bilang katunayan, nakakatuwa, ang DWIZ ay namamayagpag na sa top 10 sa mga radio station sa Metro Manila at back up pa ang television, Channel 23 at lamang na lamang tayo, dahil lang naman napapanood sa cable sa pamamagitan ng Free TV,” sabi pa ni Tandem David.
NOSE FOR NEWS
Dahil nagmula sa malaking broadcast company at sa tagal na rin sa news industry, taglay na ng TANDEM ang nose for news.
Ani Tandem Jon, nagse-self research na sila ni David habang umeere at sa tulong na rin ng news and information center ng DWIZ kasama ang newsroom, writers at reporters ay naibibigay nila ang mga balanseng balita.
NEWSMAKER
Enero 30, 2023 nang magsimula ang TANDEM, nailatag na nila ang mga breaking news, mga balita na unang narinig at sinundan na lamang ng ibang media entity.
Nagagawa nila ito dahil na rin sa kanilang mahusay, matatag na reputasyon at right connections sa industriya kaya naman pinagkakatiwalaan sila ng mga interviewee.
MAY PASABOG EVERYDAY
Dahil isang balanseng komentaryo at pagbabalita ang TANDEM, asahan ang pasabog araw-araw na mga impormasyon na kapaki-pakinabang sa mayorya at hindi sa iisang panig na interes.
Ibubuhos ng TANDEM ang kanilang karanasan at kaalaman para sa maganda at napapanahong radio program sa prime time.
Kabilang sa pagbabago ay magkakaroon sila ng roving reporter at mala-TV production na MOS (man on the street) na magpupulso sa bayan kaugnay sa napapanahong isyu.
Araw-araw ay may mga bagong ideyang ilalatag ang TANDEM at hindi template lang kaya pananabikan ang kanilang programa.
SUPORTADO NG MANAGEMENT
Tiniyak naman ni Vice President for Business Development and TV/Digital Manager Dennis Antenor na suportado nila ang TANDEM.
Kaya naman sinabi ni Antenor na back up ng newsroom at ng social media ang TANDEM.
“Kakaiba ang TANDEM, alam nila ang balita, they know what they are doing, they know how to add up, trust has to be there para pakinggan sila,” ayon kay Antenor.
Dagdag pa ni Antenor, hindi lang best option sa morning tunog ang TANDEM kundi pumasa pa ang mga ito sa masa.
TUNE CHANGER
Ang TANDEM nina David Oro at Jon Ibañez ay todong lakas na mapakikinggan sa DWIZ 882AM at mapapanood sa Aliw 23 – Digital Free TV Channel 23, Affordabox 32, TV Plus 27 at Sky Cable 72. Maaari ring sundan ang kanilang programa sa YouTube Channel ng DWIZ 882 at Facebook Page ng DWIZ.
Special Report ni EUNICE CALMA-CELARIO