BEST-SLP ELITE SQUAD RATSADA SA PH AGE-GROUP MEET

MAAGANG ipinaramdam ng Philippine BEST (Behrouz Elite Swimming Team) ang kahandaan at lakas ng programa sa grassroots level sa nahakot na kabuuang 11 gold, 14 silver at 4 bronze medals sa unang araw ng aksiyon sa PSI-organized Philippine National Age Group competition nitong Biyernes sa Olympic-sized Teofilo Ildefonso Swimming Pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Matapos ang impresibong kampanya sa prestihiyosong Melun, France swimming championship kamakailan kung saan nakahirit ng isang gold at isang silver medal ang pambato ng Brent International student, pinangunahan nina national junior record holder at multi-titled internationalist Michaela Jasmine Mojdeh at Vietnam-based swimming protegee Heather White ang ratsada ng BEST Main squad sa napagwagiang  tig-3 medalya sa torneo na nagsisilbing national tryouts para sa pagpili ng Philippine Swimming Inc. ng mga isasabak sa National Junior meet sa abroad.

Nakopo  ng 16-anyos na si Mojdeh, tinaguriang ‘Water Beast’ bunsod ng dominanteng performance sa local at international junior meet, ang gintong medalya sa 50-m breast (35.67), 100-m fly (1:04.17) at 200-m Individual Medley (2:29.35) sa girls’ 16-18 class.

Hataw naman ang Filipino-Briton na si White, 15, sa 200-m IM (2:30.33), 100 Fly (1:05.62) at 50-m Free (27.49) ng girls’ 14-15 class sa torneo na nilahukan ng mahigit 300 swimmers mula sa iba’t ibang swimming club at organization na sanctioned ng PSI.

“From late Susan Papa swimming program, talagang itinuloy namin ang pagsasanay ng mga bata. From grassroots talagang level up sila sa elite group hindi lamang ng B.E.S.T squads but for the Swim League Philippines (SLP). Malaking bagay din po talaga ‘yung exposure ng mga bata sa tournament abroad kaya pinupursige talaga namin,” pahayag ni SLP team manager Joan Mojdeh.

Nagbigay rin ng gintong medalya sa koponan sina Ivan Radovan, 16, sa 1,500-m freestyle sa tiyempong 18:10.93, at nakatatandang kapatid ni Heather na si Ruben, 18, sa 50-m free (23.02). Nagdagdag si Radovan ng silver sa 100-m fly (57.78).

Kumuha rin ng silver medal sina Jules Mirandilla, 20, sa 100-m fly (56.41) sa 19-over boys class; John Neil Paderes, 20, sa 100m back (1.00.25) at Yohan Cabana, 17, sa 100-m back (1:02.67) at 200-m IM (2:19.29) ng boys’ 16-18 class. Kumuha rin si Paderes ng bronze sa 200 IM (2:16.00).

Pinangunahan naman ni Coby Rivilla, 15, ang BEST Parañaque sa panalo sa 200-m IM (2.23.00) at 100-m fly (1:01.00 sa boys’ 14-15 class, habang humirit ng silver medal sina Zandro Carandang, 16, sa 16-18 boys’ class ng 1500 Free (18:17.76) at 400- free (4:33.42); Amina Mondonedo, 15, sa  girls’ 14-15 100-m fly (1:07) at 50-m Free (28.14); Arriana Carandang,13, sa 11-13 yrs girls’ 100-m (1:16.16) at bronze sa 50- Free (30.55) at 200 IM (2:48.45) at Geof Liberato, 20, sa 50-m Breast  (30.71)

Sa BEST Lucena, hataw ng ginto si Peter Dean, 15, sa 14-15 boys’ 100 Back (1:06) at silver sa  200 IM (2:24); at humakot si Julian De Kam, 15, ng silver sa 100 Back (1:08.10), 1500 Free  (18:47.24) at 400 free (4:31.07). EDWIN ROLLON