SUMAKABILANG buhay na kahapon, Martes, Enero 14 ang batikang broadcast journalist na si Twink Macaraig matapos ang pakikipaglaban sa cancer.
Si Macaraig ay news anchor ng TV 5, at kolumnista sa PhilStar at sa Esquire.
Nagsilbi rin siyang part-time faculty lecturer sa University of the Philippines (UP) College of Mass Communication.
Sa pamamagitan ng social media, nagpaabot ng pagdadalamhati ang kaniyang mga kaibigan at ilang nakasama niya sa trabaho sa pamamagitan ng social media.
Noong Marso 24, 2019 ay isinulat ni Macaraig sa kanyang kolum na: “I’ve long made peace with my demise. My last will and testament — hand-written amidst many tears — is in the safe. I could give up. Succumb. Surrender. But I won’t. While the very heart of me — that chamber that stores my conscience and conviction, love, dreams, memory and self-respect — remains unbreached, I will fight.”
Taong 2016 nang matuklasan ni Macaraig na siya ay may breast cancer, pero gumaling siya mula rito, subalit makalipas ang sampung taon ay nagulat ito nang bumalik ang kaniyang sakit at kumalat na sa iba pang bahagi ng kanyang katawan.
“Bahala ka na Diyos, I will spend my time on this earth and then when I have to go, I’ll be ready,” pahayag pa nito sa isang panayam.
Comments are closed.