BETONG SUMAYA NAGKA-CAREER DAHIL KAY ‘ANTONIETTA’

BETONG SUMAYA

NAPAKALAKI nang nagawa sa career ng maga­ling na comedian at TV host na si Betong Sumaya  ang the pointkanyang exposure sa longest running Kapuso comedy sketch gag show na “Bubble Gang.”

“After Survivor Philippines, ito iyong biggest break ko. Siya iyong biggest blessing ko. Naisip ko nga noon na talagang gusto kong makasama sa Bubble Gang dahil 1996, college pa ako noon, pinapanood ko na siya”, pagbabalik-tanaw niya.

Ayon pa kay Betong, malaki ang utang na loob niya sa GMA 7 at sa creators ng Bubble Gang dahil nabigyan siya ng pagka-kataong maipakita ang kanyang galing sa komedya o  pagpapakuwela.

“Noon kasi, hindi ko pa alam kung ano iyong career path, kung magho-host ako o aarte. Kaya, napakalaking bagay sa akin na mapasama sa show na dati’y hinahangaan ko lang”, aniya.

Hindi rin niya malilimutan ang role ni “Antonietta,” ang karakter sa nasabing show  na nag-launch ng kanyang career nang bonggang-bongga.

“Memorable sa akin ang character ni Antonietta . Sobrang laki talaga at grabe ang naging tulong niya sa career ko. Nakapag-travel ako abroad at nakapag-show sa ibang bansa dahil sa role kong ito. Nagkaroon ako ng commercials dahil din sa kanya at nadagdagan pa ang mga raket ko”, paliwanag niya.

CARLO AT ANGELICA MALABO NANG MAGKABALIKAN

CARLO-ANGELICA-2NAGSALITA na si Carlo Aquino hinggil sa kontrobersyang kinasasangkutan niya kung saan nakunan siyang idini-date ang rumored at non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza.

Sa litrato nilang dalawa, maraming Cargel fans ang nag-react at nasira ang pantasya na nagkabalikan na ang kanilang mga ido-long sina Carlo Aquino at Angelica  Panganiban na successful ang pinagsamahang pelikula.

Lalong nadagdagan pa ang pagkadismaya ng mga netizens sa naging emosyonal na ‘hugot’ ni Angelica tungkol sa estado ng relas­yon nila ng ex nang sabihin nitong naunsyami ang relasyon niya sa actor dahil sa iba nilang mga ‘fans’.

Dahil sa nangyari, pakiramdam tuloy ng Cargel fans na pinasakay lang sila ng dalawa sa kanilang pagmamabutihan para sa promo ng pelikula, lalo na si Carlo na may imaheng playboy.

Sa kanyang huling pahayag, nabunyag na wala na ngang pag-asang magkaroon pa ng ikalawang kabanata ang kanilang rela-syon.

“As long as okay naman kami ni Angge, speaking terms naman kami, okay na ako doon. Kung anuman ang sinasabi ng mga tao, I don’t feel the need to explain anything,” aniya. “Basta ‘yung mga taong nagmamahal sa akin, ‘yung kilala ako, iyon lang ang importante. Naiintindihan nila ako,” dugtong niya.

Aminado rin siyang apektado siya nang lumabas ang balita sa kanila ni Trina.

“First time na mangyari sa akin ‘to, e. Malaking blessing, pero never kong inaakala na ganito pala.”

“Anong gagawin natin? Opinyon nila ‘yon, e ‘di tatanggapin ko na lang kung ano ‘yung mga sinasabi nila sa akin,” paliwanag niya.

Hirit pa niya, naging sandigan daw niya ang kanyang mga kaibigan noong panahong hinuhusgahan siya.

“Ever since naman, iyon ang kinakapitan ko, e. Naniniwala kasi ako na may ibang mga bagay na kailan mong kini-keep private, para kaya mong tumayo in private. Ganun na lang ‘yung ginagawa ko,” sey niya.

Sa mga nagsasabing pinasakay lamang niya ang Cargel fans sa ‘pakilig’ at sweet-sweetan nila ni Angelica, ito ang kanyang na­ging tugon:

“Hindi maiiwasan talaga kasi on and offscreen, maganda kami tingnan, e. Ang nagkulang lang si­guro ‘yung pag-uusap,” ani Carlo.

Comments are closed.