BETTER INFRA, BETTER NEW NORMAL

BETTER INFRA-1

(Ni CRIS GALIT)

NAUUBOS ang oras ni Mang Danilo, isang magsasaka mula sa Pangasinan, sa tuwing mayroon siyang deliver ng mga iba’t ibang uri ng gulay sa kaniyang mga suki sa Maynila dulot ng bagal ng daloy ng trapiko.

Sa isang katulad ni Mang Danilo na “perishable” ang mga produktong kaniyang ibinibenta sa mga suki, malaking lugi kapag hindi umabot sa takdang oras ang mga ito. Aniya, madalas siyang ma­bulukan ng mga gulay tulad kapag nagkaka-aberya sa daan.

BETTER INFRA-2“Napakalaking tulong sa amin kapag maganda ang mga kalsada kasi mapapabilis po ang transaksyon namin at hindi masisira ang produkto namin. Natutuwa po kamina maroon ng mga bagong kalsada na ginagawa ang gobyerno,” ayon kay Mang Danilo.

Isa lamang si Mang Danilo ang makikinabang sa mga magagandang imprastrakturang ginagawa ng pamahalaan. Bukod sa mapapabilis ang biyahe dahil mababawasan ang “congestion” ng mga sasakyan, ga­ganda ang ekonomiya, lalago ang mga maliliit na negosyo at lalong magiging matatag ang turismo.

Bukod pa rito, mabilis na rin makararating sa mga pro­binsya ang produktong galing sa Maynila. Bago pa man ang Covid-19 pandemic, lumalakas na ang e-commerce dahil sa mga online sellers na lalong umusbong nang ipa­tupad ang General C­ommunity Qua­rantine (GCQ).

Nakatutuwang isipin na kahit nasa gitna pa tayo ng pandemya, patuloy pa rin ang ating pamahalaan sa pagtatayo ng mga infrastructure katuwang mga pribadong kompanya. Sa katunayan, natapos na ng San Miguel Corporation (SMC) ang Skyway Stage 3 project na mayroong habang 17.93 kilometro mula sa Buendia hanggang sa North Luzon Expressway (NLEX).

BETTER INFRA-3Ang proyektong ito ang magkokonekta ng South Luzon Expressway (SLEX) at NLEX at magiging alternatibo sa bagal na daloy ng trapiko sa Epifanio Delos Santos Ave­nue (EDSA) dahil sa walong access points nadadaan sa Makati, Manila, San Juan at Quezon City.

Kabilang sa mga access points na ito ang Buendia, Plaza Dilao, Nagtahan, Aurora Boulevard, ­Quezon Avenue, Sgt. Rivera, Balintawak at NLEX.

Pinasalamatan ni SMC president and COO Ramon S. Ang ang lahat ng stakeholder at mga katuwang sa gobyerno mula noon hanggang ngayon para sa kanilang mga kontribusyon na matupad ang Skyway 3 na pri­badong pinondohan at ginawa ng SMC na walang gastos ang pamahalaan at wala ring mga garantiya at subsidiya.

Ayon pa kay Ang, isa itong long-term na benepisyo sa mga motorista at mga kompanya.

“With Skyway 3, we will improve the daily commutes and lives of so many Filipinos. We will lessen their time spent in traffic on the road, we can increase both their productivity and time spent with their families,” Ani Ang.

BETTER INFRA-4“Apart from this, the transportation of goods from north and south Luzon will also be so much easier, faster and more efficient. This will be a big boost to our economy and support growth throughout the regions,” dagdag pa ni Ang.

Matapos makumpleto ang ka­buuang  structure ng Skyway 3 bago ang October  31 deadline,  inanunsyo rin ng SMC na layon nilang maihatid ng northbound section ng Skyway extension project na direktang magkokonekta ng SLEX sa Skyway mulasa Susana Heights sa Muntinlupa sa Dis­yembre.

Dahil dito, asahang magiging 20 minutes na lamang ang magiging biyahe mula sa Susana Heights  patungo sa Skyway System kabilang na ang Skyway 3 hanggang sa Balintawak toll Plaza ng NLEX. Samantala, ayon pa kay Ang, magiging 15 minutes na lamang ang travel time mula sa Magallanes papuntang Ba­lintawak; 15 minutes rin ang Ba­lintawak hanggang NAIA at 10 minutes na lamang ang Valenzuela hanggang Makati.

Comments are closed.