PAG-IIBAYUHIN ng ahensiya ng gobyerno sa Calabarzon ang kanilang pagsisikap na makuha ang pinakamalaking dahilan ng huling fish kill phenomenon na tumama sa Taal Lake coastal towns ng Laurel at Agoncillo at ngayon ay ku-malat na sa Talisay sa Batangas.
Tinatayang umabot na sa mahigit na 605 metrci tons ang naging lugi dahil sa fish kill sa bayan ng Laurel at Agoncillo nitong nagdaang linggo.
Inireport ni Wilfredo M. Cruz, regional director of the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) in Region 4-A (Ca-vite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) ang resulta mula sa kanilang water quality sample monitoring sa mga apektadong dagat sa baybayin ng bayan ng Agoncillo, Laurel, at Talisay noong Sabado na may indikasyon ng mababang level ng dissolved oxygen sa tubig na kasama sa fish kill na may sukat na 3.0 mg/l.
Ang level na ito umano ay mababa sa normal na tuloy-tuloy na leve ng dissolved oxygen sa water para sa fish culture ng kahit 6.0 mg/l.
Ang mga sample ng tubig sa mababaw na level na nakuha sa Agoncillo Barangay Bañaga na may 1.66 hanggang 2.89 mg/l at Bilibinwang na may 3.66 to 4.96 mg/l; Barangay Leviste — 3.81 hanggang 4.63 mg/l at Buso-buso na may 0.18 hanggang 1.81 mg/l sa Laurel town; at Barangay Quiling na may 2.60 hanggang 3.89 mg/l at Sampaloc na may 1.51 hanggang 3.15 mg/l sa Talisay town.
Nanawagan si Cruz Local Government Units (LGUs) na nakapalibot sa Taal Lake na udyukan ang fish cage operators na pag-ibayuhin ang kanilang monitoring at kung maaari, makapag-ani ng kanilang mga puwede nang ibenta ng mas maaga kaysa sa iske-dyul.
Hinimok din ng BFAR ang Taal Lake fish stakeholders para maghanda ng kanilang oxygen tanks, pumps at engine sets, kasama ang kinakailangang kagamitan para mailipat ang kanilang fish cages sa mga lugar na ang kalidad ng tubig ay normal para maiwasan ang fish mortality o fish kill.
Ayon kay Nenita Kawit, chief of BFAR-Calabarzon’s Batangas Inland Fisheries Technology Outreach Station (BIFTOS) na nakabase sa Ambulong, Tanauan City, inireport na ng Fisheries and Aquatic Resources Management Council (FARMC) sa Balete, Batangas ang pagkakatoon ng green discoloration ng lake water sa kanilang lugar noon pa mang Abril 8 nitong taon at ang ilang isdang muang at guno ang nakita na lulutang-lutang sa ibabaw ng tubig.
Samantala, inireport naman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Calabarzon Regional Executive Di-rector, ang abogadong si Maria Paz Luna, nitong huling araw ng linggo na ang fish kill ay nakaapekto sa ilang 121 fish cages, na naging sanhi ng pagkamatay ng 605 metric tons ng isda sa Taal Lake, at baybayin ng Agoncillo and Laurel.
“The 121 affected fish cages are from Barangays Buso-buso and Gulod in the town of Laurel and Bañaga in Agoncillo,” sabi ni Luna.
“The fish kill is not expected to affect the supply and prices since the volume comprises only a small percentage of fish supply, mostly tilapia in the market and not a cause for alarm to the public,” dagdag pa niya.
Sinabi pa niya na pinayuhan na ang mga may-ari ng mga isda na ilipat ang kanilang fish cages o anihin agad ang kanilang stock ng mas maaga para maiwasan ang pagkamatay ng mga ito.
Inireport din niya na ang site inspection sa apektadong lugar sa Taal Lake nitong Huwebes ay nakitaan ng halos 200 metric tons ng patay na isda na nakalutang, na talagang napakarami na para ang mga ito ay maibaon.
Nitong Biyernes, may tinatayan 33 fish cages ang natagpuan na may nakalutang na isda na nagtulak sa stakeholders na maghukay ng kanilang pagbabaunan.
Sinabi niya ang overcrowding sa fish cages ay isa sa mga dahilan na nagresulta sa pagbaba ng dissolve oxygen sa lake waters, kaya ang Batangas provincial government at ang bagong nilikhang task force ay tumulong para pagtatanggaling ang fish cages.
Pero napansin ni Luna, na kahit na may mga regulasyon, ang fish cage stocking density ay laging hindi natutupad at sinasaway dahil ang mismong mga regulator ay walang daan para mabilang kung ilang isda na ang naroroon sa cages.
“The industry is incapable of addressing large fish kill incidences due to lack of large harvesters. The mortality pits certified as existing were nowhere to be found and the free trainings that all caretakers have attended were might as well have been in a foreign language,” pansin niya. PNA
Comments are closed.