BFAR GAGAMIT NG ‘SATELLITE IMAGING’ VS IL-LEGAL FISHING

BFAR

NAKATAKDANG gumamit ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bicol ng satellite technology, partikular na ang Visible Infrared Imaging Radiometer Suite (VIIRS) sa pagmo-monitor ng illegal fishing sa coastal waters ng rehiyon.

Ayon sa BFAR, ang VIIRS ay isang satellite sensor na kayang mag-detect ng mga bangka na gumagamit ng ilaw upang maka-attract ng isda.

Napag-alamang epektibo rin ito sa pag-monitor ng boat activities sa iba’t ibang fishing grounds at restricted areas partikular na sa marine protected areas.

Noong 2018, may kabuuang 6,754 ang VIIRS boat detections sa karagatan ng rehiyon kung saan pinakamataas sa Masbate, sinundan ng Camarines Norte at Camarines Sur.

Ipinarating pa ng BFAR, mas mataas na VIIRS boat detections sa lugar ay mas mataas rin ang tsansa na nangyayari ang illegal unreported and unregulated fishing (IUUF) activities.

Base sa mga datos, ang mga lugar na may mataas na tsansa rito ang fishing grounds ng Asid Gulf, Lamon Bay, Sibuyan Sea Ragay Gulf at Masbate Pass.

Ipinaliwanag ng ahensya na ang hotspots sa maritime information report na pareho sa areas of concentration ng VIIRS boat detections habang mayroong libreng VIIRS alerts sa pamamagitan ng SMS, email at telegram Apps. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.