BFAR MATAGUMPAY NA NAKAPAG-ABOT NG 2,000 LITRONG KRUDONG AYUDA SA MGA MANGINGISDA

Matagumpay na nakapamahagi  ng ayuda  na krudong tinatayang umaabot sa 2,000 litro ang barkong BRP Datu Sanday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Department of Agriculture (DA) noong linggo, Agosto 25 sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS)  na nagpahayag  naman ng pangamba sa kanilang kaligtasan mula sa mga Tsino, matapos  banggain  at  bombahin ng  water cannon ng Chinese Coast Guards (CCG) at barkong pandigmaan ng China na pilit na humarang sa naturang vessel ng pamahalaan.

“Parang tayo pa ang inaano nila, eh  nakapasok sa location na ‘yun, atin naman ‘to. Sa stiwasyon ngayon parang tayo pa ang nagnanakaw e sa pangyayaring yan…Syempre me pangamba po tayo sa sarili naming na baka kung ano gawin nila.Hindi gaya dati na kahit anong gawin mo, pwede,”ayon kay Jasson Pagilagan, Boat Captain  sa isang television interview.

Ang fishing boat ng San Jose Occidental Mindoro, bukod sa krudo ay nabigyan din ng maiinom na tubig mula sa BRP Datu Sanday. Nag-iingat  ngayon ang mga  mangingisda dahil sa mga ikinikilos ng China lalo sa Escoda Shoal.

Ang fishing boat Jamaezel 3 ng  Batangas, palapit pa  lang sila sa Escoda Shoal noong Sabado ng gabi ay nilapitan na umano ng CCG at pina­alis kaya di na  nakuha ang mga isda sa payao.

“Kung maaari lang po aksyonan ng gobyerno. Dahil kami po ay nahihirapan.Buwis buhay na nga po sa malalaking alon ang aming  sinasaban, pagkatapos pagdating pa dito sa mga Chinese buwis buhay pa rin po,” ang sabi ni Sofronio Lopes, Boat Captain.

Bagamat napinsala ang BRP Datu Sanday ng BRP, nangako ang mga kawani ng BFAR na muling magbabalik sa naturang karagatan upang ipagpatuloy ang kanilang mandato na mag abot ng tulong sa mga mangingisda.

Noong Linggo pam­babanga at pambobomba ang naranasan ng  barko ng BFAR, habang hinarang din ang resupply mission ng Teresa Magbanua noong Lunes, Bagamat iginigiit ng China na responsable ang Pilipinas sa banggaan.

Subalit sa video ng Inquirer.net ay naipakita ang pambabangga at pambobomba  ng Chinese warship ng People’s Libe­ration Army (PLA) ng China at Chinese Coast Guard (CCG). Mariing pinabulaanan din  ng Philippine Coast Guard (CCG) ang pinalilitaw ng mga Tsino na sinasaklolohan nito ang PIlipinong nahulog sa dagat at tinawag itong fake news.

 Ang pambabangga at pambobomba ng Chinese vessels laban sa mga barko ng Pilipinas nitong nakaraang linggo ay kasunod ng pagpapakawala ng flare ng mga Chino sa artificial islands nito laban sa mga nagpapatrolyang eroplano ng Pilipinas sa teritoryo nito sa Exclusive Economic Zone.Sabi ng Maritime Council  lubhang nakakaalarma ito.Hindi rin anya sumunod ang China sa naging pakikipag usap sa Pilipinas sa pagpapahupa ng tension sa West Philippine Sea (WPS).

“Basically, ang ginagawa ng China pinu frustrate ang ating capacity to operate in that area.So in effect binabangga nila ang mga barko. Magkakaroon ng damage yan. Pag nadamage yan kaila­ngan bumalik sa base para ayusin. At the same time it will overwhelm the area with Chinese vessels.Yung mga coast guard vessels nila which are actually  mga auxiliairies ng Chinese Navy. Practially mga nagpapanggap lang yang mga yan minsan na fishing vessel pero actually mga Chinese Coast Guards yan,” ayon kay Jose Antonio Custodio, Military Historian at Security Analyst.

Ayon kay Custodio, kung kulang ang Pilipijnas sa barko ay kailangan gumawa ng barko.”It’s high time immobilize na ang ating ship building industry dahil this can only get worst between us and China. Kasi ang gusto nila magyari ma-push out tayo sa West Philippine Sea.Tayo naman ‘di natin pwede gawin yan kasi yan ay atin,” sabi ni Custodio.

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia