BFAR NAGBABALA LABAN SA SHELLFISH NA APEKTADO NG RED TIDE

SHELLFISH-2

NAGBABALA ang BFAR sa publiko tungkol sa pagbili at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish lalo na kung manggagaling ito sa mga lugar na apektado ng red tide toxin.

Kabilang sa mga apektado ng red tide toxin ang coastal waters ng Bataan o mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal, Puerto Prin­cesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan, Coastal Waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Irong-Irong, San Pedro, at Silanga Bays sa Western Samar, Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte, at Lianga Bay sa Surigao Del Sur na nananatiling positibo sa paralytic shellfish poison.

Habang ang Matarinao Bay sa Eastern Samar ay muling nabalik sa listahan ng positibo sa red tide.

Maliban sa shellfish at alamang puwede namang kainin ang mahuhuling isda basta’t linisin itong mabuti at lutuin nang husto ba-go kainin.

Nilinaw naman ng BFAR na ligtas namang mag-swimming sa dagat na may red tide toxin.