BFAR NAGBABALA LABAN SA SHELLFISH POISONING

SHELLFISH POISONING-2

NAG-ISYU ng mahigpit na babala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kamakailan laban sa pagkain ng shellfish mula sa red-tide sa Eastern Visayas lalo na sa napakaraming pagtitipon ngayong holiday season.

Binigyang-diin ng ahensiya na maraming kaso ng paralytic shellfish poisoning ang nairekord sa buwan ng Disyembre dahil sa mga kasayahan para sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

“There is a lot of drinking spree and celebration and shellfish are a favorite pulutan (food eaten with alcoholic drinks) in coastal communities. We have to issue this stern warning because of the daring nature of Waray-speaking people who just ignore warnings,” pahayag ni BFAR 8 (Eastern Visayas) Director Juan Albaladejo.

Magpa-Pasko noong 2016 kung kailan may dalawang namatay dahil sa shellfish poisoning at nagpabagsak pa sa 40 iba pa sa bayan ng Cabucgayan, Kawayan, at Maripipi sa Biliran province.

Ngayong linggo, naitala na red tide po­sitive ang mga lugar tulad ng Cancabato Bay sa Tacloban City; at San Pedro Bay, Irong-irong Bay, at Silanga Bay, lahat sa probinsiya ng Samar.

Ang presensiya ng red tide sa parehong shellfish meat at tubig ay nagbabawal para sa pa­ngunguha, pagbebenta, at pagkain ng shellfish mula sa natukoy na lugar dahil sa posibilidad na shellfish poisoning.

Nagsasagawa ang BFAR ng lingguhang monitoring ng seawater sa mga dagat na nagkaroon na ng red tide noon, pero sa mga positibong lugar, ineksamin ng awtoridad ang mga dagat at meat samples tatlong beses sa isang linggo.

Pinayuhan ng bureau ang publiko na huwag munang kumain, manguha, magbenta at bumili ng shellfish products at Acetes sp. (small shrimps) mula sa mga apektadong dagat hanggang hindi bumababa ang toxicity level ng shellfish ng mas mababa sa regulatory level.

Ang mga nahuling isda sa mga nabanggit na lugar ay puwedeng kainin basta’t ito ay sariwa, nahugasan, at naluto ng maayos.                  PNA

Comments are closed.