BFAR NAGBABALA SA RED TIDE SA ILANG BAYBAYIN NG BANSA

RED TIDE-4

NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko kaugnay sa panganib dulot ng red tide sa i­lang panig ng bansa.

Tinukoy ng BFAR ang mga coastal areas ng Pampanga; Bataan; Dauis at Tagbilaran City, Bohol; Puerto Princesa Bay, Pala-wan; Matarinao Bay, Eastern Samar; Cancabato Bay, Tacloban City, Leyte at Lianga Bay,  Surigao del Sur.

Pinaalalahanan naman ng BFAR ang publiko sa iba’t ibang panig ng bansa na mag-ingat sa pagkain ng mga pagkaing dagat tulad ng mga isda, pusit, hipon at alimasag na suriin ng husto bago bumili at linisin ito.

Samantala, nananatili namang ligtas ang mga bahagi ng Cavite; Las Piñas; Parañaque; Navotas; Bulacan sa Manila Bay gayundin ang coastal ng Bolinao, Anda, Alaminos, Sual at Wawa, Bani sa Pangasinan, Masinloc Bay ng Zambales; Milagros, Mandaon at Palces sa Masbate; Juag Lagoon, Matnog at Sorsogon Bay, Sorsogon; Honda Bay, Puerto Princesa City, coastal ng Inner Malampaya Sound, Taytay, Palawan; Gigantes Islans, Carles, Iloilo; Pilar, Panay; Pres. Roxas, Roxas City, Capiz; Sapian Bay (Ivisan at Sapian ng Capiz; Mambuquiao at Camanci, Batan, Aklan) Altavas Batan at New Washington, Batan Bay, Aklan.

Kabilang pa rito ang coastal ng E.B Magalona, Talisay City, Silay City, Bacolod City, Hinigaran at Victoria City ng Negros Occidental; Tambobo at Siit Bay, Saton at Bais Bay ng Leyte; Bi­liran Province, Duman-gullas Bay, Zamboanga del Sur; Tantanang Bay, Zamboanga Sibugay; Mucielagos Bay Zamboanga del Norte at Mi­samis Occidental; Tagui­nes Lagoon, Benoni, Mahinog ng Camiguin Island; Balite at Pujada Bays Mati ng Davao Oriental at Hinatuan at Bislig Bays ng Surigao del Sur. BENEDICT ABAYGAR JR.

Comments are closed.