BFP IPINASASAILALIM  SA MODERNISASYON

BFP-2

PINAMAMADALI ni Leyte Rep. Yedda Marie Romualdez na maisailalim na sa modernisasyon ang Bureau of Fire Protection ngayong ginugunita ang Fire Prevention Month.

Iginiit ni Romualdez na mahalagang mamuhunan ang gobyerno sa kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng pagdadagdag ng firetrucks, fire stations at maka­bagong kagamitan.

At para maipatupad ito, kinakailangan ng Kongreso na maglaan ng pondo para sa modernisasyon ng BFP upang mas mapaghandaan at mapigilan ang pagkawala ng buhay at ari-arian tuwing may sunog.

Aniya, dapat ding kilalanin ang tapang at serbisyo ng mga bombero na nag-aalay ng buhay para mailigtas ang maraming kababayan mula sa kapa-hamakan.

Gayunpaman, habang wala pa ang binabalak na modernisasyon, hinikayat nito ang BFP na paigtingin ang information dissemination at mamahagi ng handouts na nagsasaad ng safety tips para makaiwas sa sunog.   CONDE BATAC

Comments are closed.