BFP MAKATI SUMAILALIM  SA MATINDING PAGSASANAY NG SCBA

bfp

HUMARAP sa matinding pagsasanay ang lahat ng crew ng Fire Engine ng BFP Makati Fire Station para sa Preventive Maintenance and Servicing at tamang paggamit (donning & doffing) ng Self-Contained Breathing Apparatus (SCBA).

Ayon sa inilabas na memorandum na may petsang 12 February 2021 ni Supt Florian A. Guerrero, MPSA, City Fire Director ng Makati Fire Station, inatasan nito ang BFP Makati Special Rescue Force sa pamumuno ni SF04 Jefferson G. Robles, na isailalim ang lahat ng crew ng Fire Engine sa buong BFP Makati Fire Stations sa isang araw na pagsasanay nakinabibilangan ng La Paz, Ayala, Tejeros, Guadalupe, Palanan, Valenzuela, West Rembo, Comembo, Bangkal, Pio del Pilar, Poblacion at Super Tanker, sa isang theoretical at practical exercises para sa Proficiency, Preventive Maintenance and Servicing, Donning and Doffing ng Self-Contained Breathing Apparatus (SCBA).

Ginanap ang nasabing pagsasanay sa Makati Central Fire Station kung saan  aabot sa humigit kumulang 88 crew angisinailalim sa pagsasanay na binubuo ng 11 grupo (8 pax per group) na sinimulan pa noong Pebrero 20 at magtatapos sa Abril 17, 2021.  Mahigpit na ipinatutupad sa buong panahon ng pagsasanay ang minimum health and safety protocol para maiwasan ang posibleng pagkakaroon o pagkahawa ng COVID-19.

Ayon kay Supt. Guerrero, “ang layunin ng pagsasanay na ito ay upang mapag-ibayo ang kakayanan, kaalaman at kahandaan ng bawat crew sa ligtas na pamamaraan sapagtugon ng mga ito sa mapamuksa at mapanganib na usok at apoy.”

Dagdag pa niya, “napapanahon din ang nasabingpagsasanay lalo na at paparating ang buwan ng Marso 2021na may temang SA PAG-IWAS SA SUNOG, HINDI KA NAG-IISA, kung saan ayon sa datos ng BFP, ito ang buwan na maymaraming naitatalang insidente ng iba’t ibang uri ng sunog sa buong Pilipinas”.

Matatandaan na lahat ng crew ng Fire Engine sa BFP Makati ay binigyan ng kani-kaniyang set ng SCBA, bukod pa samga bagong Personal Protective Equipment (PPE).

Pinasalamatan din ni Supt. Guerrero ang lahat ng BFP personnel ng Makati dahil sa matagumpay na pagtugon nito sa kampanya na “OPLAN PAALALA – IWAS PAPUTOK”, kung saan ay walang naitalang insidente ng sunog  ang Makati City nasanhi ng mga fire crackers at ang pagkamit nito ng pinakamataasna collection ng Fire Code Fees sa taong 2020.  Ang mgamatagumpay na gawaing ito ay kinilala ni F/CSupt  Gilbert D. Dolot, DSC, Regional Director ng BFP-NCR, sapamamagitan ng pagkakaloob ng “Medalya ng Papuri” sa lahat ng  BFP Makati personnel.

36 thoughts on “BFP MAKATI SUMAILALIM  SA MATINDING PAGSASANAY NG SCBA”

  1. Pingback: canada drugs

Comments are closed.