BFP NAGBABALA VS PEKENG RECRUITER

CALABARZON – NAGBABALA ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) 4A sa publiko kaugnay sa modus operandi ng mga pekeng recruiter na umaaktong kawani ng nasabing ahensiya para mapabilang Fire Officer 1 kapalit ng malaking halaga.

Nagpalabas ng advisory ang BFP4A makaraang mapaulat na may mga pekeng recruiter o agents ng nabanggit na ahensiya ang nambibiktima sa nagnanais maging fire officer 1 ng BFP 4-A.

Gayunpaman, pinayuhan ng BFP 4-A ang mga aplikante na mapanuri at mag-ingat sa mga pekeng recruiter kung saan ang pumasa lamang sa recruitment process ng Bureau of Fire Protection at guidelines ng Civil Service Commission ang legal na tinatanggap ng nasabing ahensiya.

Wala ring recruitment fee ang isang aplikante na pumasa sa mga itinakdang proseso para mapabilang sa fire officer 1 ng BFP.

Samantala, ang opisyal na proseso sa recruitment ay nasa BFO Regional Office 4A website, recruitment portal, o kaya nasa Facebook account kung saan ang status ng application ng mga aplikante ay makikita sa email ng BFP.

Sinumang aplikante na naka-encounter ng pekeng recruiter ng BFP ay ipagbigay-alam sa BFO Region 4-A Administration Division o kaya tumawag sa # 0939-081-9373 at #0927-513-4592 kung saan maari ring mag-email sa [email protected]. MHAR BASCO