KUMBINSIDO ang Bureau of Fire Protection (BFP) na patuloy itong tumatanggap ng unmodified opinion mula sa Commission on Audit (COA) para sa fiscal year 2023 bilang pagsunod sa Sec. 43 ng Government Auditing Code of the Philippines (Presidential Decree No. 1445).
Kasunod nito inaasahan ng BFP na maglalabas ng karagdagang budget ang Congress para sa modernization program ng bureau ngayong taon, may karagdagang P4.5 Billion ang ahensya na pambili ng mga makabagong kagamitan para isulong ang modernization program nito para sa taong 2024.
Nabatid sa huling pagdinig ng Kongreso para sa budget ng BFP, inaasahang tataas ang budget ng ahensya para sa bureau of fire para sa taong 2025.
Sinabi ni Miriam M. Villanueva Director IV ng Commission on Audit (COA), ang audit ay isinagawa sa BFP bilang pagsunod sa mandato ng batas, rules and regulations at para ipatupad ang pantay na probisyon ng financial statements at ipatupad ang audit recommendation.
Batay sa ulat ng COA, nakatanggap ang BFP ng impresibong score na 93 percent, na nakakuha ng outstanding rating kumpara sa inisyal nitong Financial Performance Rating report. At sinabi ng COA report na walang iregularidad sa mga pagsisikap ng BFP na walang iregulariad para gawing moderno ang mga pamamaraan at program anito sa pagtugon sa sakuna at sunog.
Samantala sinabi ni BFP chief director Louie S. Puracan na dahil sa modernization program, nakayanan ng BFP ang mga makabagong hamon ng panahon kabilang na ang pagdami ng mga fire truck ng BFP, mga ambulansya at kagamitan ng bureau of fire para tumugon. sa mga emergency na tawag hindi lamang sa mga sunog kundi pati na rin sa pagtugon sa sakuna at pagliligtas sa buhay ng mga indibidwal.
Kaugnay ng pagtatalaga ng bagong DILG secretary na si DILG Sec. Jonvic Remulla, ang BFP ay umaasa na ito ay magbibigay lakas sa ahensya upang maipatupad nito ang kanilang mandato bilang isang kawanihan.
ECELARIO