BFP TRAINEE INATAKE HABANG NAGSASANAY

inatake

IPINATAWAG ng director ng National Fire Training Institute (NFTI) kahapon ng umaga ang mga miyembro, trainees at instructor ng basic rescue training course ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR) para ipa­abot na pansamantala muna nilang pinahinto ang paggamit ng physical facilities para sa kanilang isinasagawang training.

Sinasabing matatapos sa Linggo ang basic rescue training course ng BFP-NCR pero napaaga ang pagpapatigil nito para mabigyang daan ang pag-evaluate at ang pag-iimbestiga sa pagkamatay ng isang trainee na na­kilalang si Clinton Obedoza.

Inatake umano sa puso si Obedoza habang aktong isinasagawa ang training kung saan hindi ina­asahang binawian ng buhay sa pagamutan.

Ayon kay NFTI Director Fire Senior Supt Roberto Genave, hindi nila masasagot ang mismong pangyayari at kung ano ang nangyari sa pagka-matay ng naturang trainee.

Ani Genave, nag-request lang ang BFP-NCR para magamit ang kanilang pasilidad, hindi rin mga instructor o course program nila ang ginawa sa training.

Kaya, ang BFP-NCR ang makasasagot kung ano ang nangyari  kay Obedoza dahil sa classroom, dormitories at rapelling tower lamang ang inilaan nila para sa 30 participants, 14 instructors at isang course coordinator ang gagamit ng pasilidad. DICK GARAY

Comments are closed.