NILINAW ng Bureau of Fire Protection (BFP) na wala silang naitalang sunog na bunsod ng mga paputok.
Ito mismo ang kinumpirma ni BFP Spokesman Senior Supt. Gerrandie Agonos sa pulong-balitaan ng Department of Health (DOH) kahapon sa unang araw ng 2020.
Ito ay sa kabila ng naitalang sunod-sunod na sunog sa ilang bahagi ng Metro Manila sa mismong unang araw ng Bagong Taon.
“Wala pong naiulat na firecracker-related fire,” pahayag ni Agnos.
Bagamat umabot sa 31 ang naitalang sunog ng BFP ay wala naman dito ang firecracker-related fire o sunog bunsod ng paputok.
Samantala, halos wala namang nabago sa datos ng BFP hinggil sa mga buena manong sunog sa pagpasok ng bagong taon kung saan nasa 30 kaso ng sunog ang naitala ng awtoridad mula Disyembre 31 hanggang Enero 1 kumpara sa 32 sa kaparehong panahon noong nakarang taon. DWIZ882
Comments are closed.