BGC-STYLE DIGITAL ADS ILULUNSAD SA MACTAN-CEBU AIRPORT

MALAPIT nang masaksihan ng mga biyahero sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) ang makabagong digital advertisements na kahalintulad ng mga makikitang ilaw at ads sa Bonifacio Global City (BGC), isang sentro ng negosyo sa Taguig, Metro Manila.

Ang inobasyong ito ay bahagi ng partnership ng MCIA sa Uni­ted Neon Media Group (UNMG) na itinalaga bilang eksklusibong advertising concessionaire ng paliparan.

Inanunsyo ang kola­borasyon kamakailan sa isang press conference kung saan ipinahayag ng mga opisyal ang kanilang kasiyahan at pag-asa na mapahusay ang karanasan ng mga pasahero at mabigyan ng modernong imahe ang MCIA.

“Over the next few months, we’ll be digitalizing advertising across Terminals 1 and 2” saad ni Benjamin Lim, UNMG’s Deputy Chief Ope­rations Officer.

“The goal is to engage passengers more and deliver a better experience in this world-class airport” dagdag pa nito.

Inaasahang magdadala ito ng mas makabago at mas epektibong pa­raan ng pagpapakilala ng mga produkto at serbisyo sa mga manlalakbay na dumadaan sa MCIA.

RUBEN FUENTES