BHW REINFORCEMENT NG FRONTLINERS

MASAlamin

DAHIL sa pagkaka-apruba sa COVID-19 testing kit ng Food and Drug Administration (FAD) ay madaragdagan na ang mga medical frontliner na inuubos ng nasabing virus.

Milyong frontliners na ang madaragdag na medical professional dahil ang mga barangay health worker na ang puwedeng mag-administer ng rapid testing kit sa isasagawang mass testing.

Dahil simple lang naman ang pag-administer nito sa mga tao at ang resulta ay lalabas na agad sa loob lamang ng 15 minuto ay akmang-akma na ang mga BHW na may mga training naman sa larangan ng health care.

Bukod sa pagbabahay-bahay ng mga BHW para sa mass testing lalo na sa mga komunidad na nasa ilalim ng exrreme communi-ty quarantine, maaari ring gayahin ng Filipinas ang isinasagawa na sa ibang bansa na mass testing tulad sa Estados Unidos, Europa, Tsina, South Korea, Indonesia, Australia atbp.

Sa South Korea halimbawa ay may drive-through COVID-19 test site sila nakaka-test ng 10,000 katao kada araw at sa Estados Unidos naman ay mayroon na silang walk-through test site sa mga parking lot ng mga supermarket.

Kaya nagkakamatayan ang mga frontliner sa bansa ay dahil walang early detection at On-Site Mapping ang Department of Health sa pagkalat ng bayrus. Ngayon ay inaasahan nating masosolusyunan na ito sa pamamagitan ng rapid test kit.

Katotohanan naman kasi na marami sa mismong mga frontliner ay nangangamatay nang hindi man lamang nalalaman kung positibo sa COVID-19.

Tunay na kung made-detect lamang agad ang mga positibo sa pamamagitan ng mass testing at nade-detect agad kung may tama ng COVID-19 ang mga frontliner ay nabibigyan na sana sila ng karampatang medical attention.

Comments are closed.