BI COMMISSIONER TANSINGCO, DINISMIS NI PBBM

TINANGGAL na sa kaniyang pwesto bilang Commissioner ng Bureau of Immigration (BI) si Norman Tansingco ayon kay Presidential Communications Acting Sec. Cesar Chavez ngayong araw, Setyembre 9.

Ayon kay Chavez, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang dismissal order ni Tansingco dahil sa pagtakas ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo noong Hulyo.

“The President has approved the dismissal of the current BI Commissioner, Yes that is confirmed” sabi ni Chavez. Aniya, “We will leave it to the Department of Justice but it has something to do with the departure of Alice Guo.”

Idinagdag pa nito na ang pagkakaalis ng Commissioner ay may kaugnayan sa commitment ng Pangulo na “heads will roll” sa insidente.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag si Tansingco kaugnay sa pagkakatanggal sa kanya sa pwesto.

RUBEN FUENTES