INIHAYAG ni Immigration Commissioner Jaime Morente na full operation na ang Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang Paliparan sa bansa.
Ito ay resulta matapos mag-undergo ang 800 immigration personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Inter-Agency Task Force on COVID19 vaccination program.
Ayon kay Morente, simula noong buwan ng Pebrero ay walang naitala kahit isa mga immigration officer sa NAIA na tinamaan ng COVID-19.
Batay sa report ni BI port operations division (POD) chief Lawyer Carlos Capulong kay Morente, zero COVID -19 cases sa mga BI officers o frontliners hanggang sa kasalukuyan.
Ani Capulong, noong kasagsagan ng Omicron Variant sa bansa, naalarma ang kanilang opisina dahil sa mahigit isang daang immigration officers sa NAIA ang tinamaan ng COVID-19.
Kung kaya’t nahirapan ang ahensiya dahil sa karamihan sa mga may sakit ay nasa quarantine facility at limitado ang pumapasok o nagre-report sa trabaho.
“We are operating at full capacity at the airport, amid the continuing increase in the number of internationals travelers that arrived and depart from our international airport daily,” ani Capulong.
Batay sa talaan ng BI umaabot sa 9,000 hanggang 10,000 ang daily average ng mga dumarating at umaaalis na pasahero sa mga Paliparan. FROILAN MORALLOS