NAKAHANDA ang Bureau of Immigration (BI) sa pagbabalik sa normal operation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang international ports sa bansa, ayon kay Immigration commissioner Jaime Morente.
Ayon kay Morente, ang mga Immigration Officers na naka-assigned sa airports ay patuloy na nagtratrabaho ng full-time duties sa kabila ng pagkakasuspendi ng mga inbound commercial passenger flights.
Aniya, sa kasalukuyan tuloy-tuloy ang ipinatutupad na skeletal deployment ng kanilang mga tauhan sa airport sapagkat kinakailangan ang kanilang mga serbisyo sa mga flights na hindi kasama sa suspension.
Bukod sa pagku-conduct ng immigration inspection at boarding formalities for international passengers, ang BI officers ay mayroon mandato na magproseso sa mga pilots and crew of cargo, maintenance and utility flights na dumarating at umaalis sa mga Paliparan.
Maging ang mga sweeper flights, o kaya ang mga outbound flights na lulan ang mga dayuhan pabalik sa kanilang mga lugar ay nasa ilalim din ng mandato ng immigration officers na pangalagaan.
Dagdag pa ni Morente ang seaport operations ay patuloy ang operation upang hindi ma-abala ang arriving cruise at maging ang cargo vessels, na may lulan na mga Filipino seafarers. FROI MORALLOS
Comments are closed.