TINIYAK ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na handa ito kaugnay sa posibleng pagdagsa ng mga dayuhang estudyante na pabalik sa Pilipinas.
Siniguro ni BI Commissioner Jaime Morente na handa ang kanilang hanay at magiging maayos ang ibang ibang proseso sa ahensya partikular sa pagpo-proseso sa pagko-convert sa student visa.
“I have instructed our personnel to coordinate with our other stakeholders to ensure the smooth processing of returning foreign students,” ayon kay Morente. “This would be the Bureau’s share in helping the recovery of the education sector that was also badly hit by the pandemic,” dagdag pa nito.
Magugunitang sa panahon ng pandemya, karamihan sa mga dayuhang estudyante sa Pilipinas ay pinauwi sa kanilang bansa kasunod ng pagsasara sa mga eskwelahan at lockdowns.
Ayon kay Anthony Cabrera, Chief ng BI’s student visa section na inaasahan na nila ang pagdagsa ng mga babalik na mga dayuhang estudyante sa ikatlong quarter ng taon, kung saan magbubukas ang bagong school year.
“We are encouraging these foreign students to come back and continue their courses, which have been disrupted by the pandemic,”ayon kay Cabrera.
Nakikipag-ugnayan na rin siya sa ilang school officials at mga grupo na tumatanggap na ng mga dayuhang estudaynte.
Nabatid na mayroong 35,000 na mga dayuhang estudyante ang nag-aaral sa bansa at karamihan dito ay nasa medical field.
Nakikipag-ugnayan din si Cabrera sa ilang government agencies na nangangasiwa sa mga dayuhang estudyante na siguraduhin na nakahanda sila sa pagpoproseso sa mga babalik na dayuhang estudyante. PAUL ROLDAN