IPINAG-UTOS ni Bureau of Immigration (BI) Jaime Morente sa kanyang mga tauhan sa Taguig detention Center na mag decongest sa mga nakakulong na dayuhan sa kanilang detention center sa Bicutan, Taguig City, para maiwasan na magkasakit ang mga ito sa COVID-19.
Hiningi ni Morente ang tulong ng legal division ng Bureau of Immigration kung saan inatasan niya ang mga ito na bilisan ang mga naka- pending deportation cases ng mga foreigner na nasa loob ng detention center.
Na-obserbahan ni Morente na overcrowded ang kanilang mga facilities sa detention center at ang pagbabawasw ay para maiwasan ng mga inmate at mga jail guard na mahawaan ng COVID-19.
Aniya iniiwasan niya na magkaroon ng transmission ng COVID-19 sa mga inmates sa loob ng kulungan, kung kayat ipinag-utos niya ang double time resolution of deportation cases para maipatapon ang mga ito palabas ng bansa.
Kaugnay nito nagpalabas din ito ng memorandum na mag-conduct ng inventory ang legal division sa lahat ng mga pending deportation cases, at mag-submit ng appropriate recommended resolutions sa BI board of commissioners.
Maging ang bureau’s deportation unit ay inutusan nito na bilisan ang implementasyon ng deportation orders na inisyu ng board at humingi ng kakailanganin pahintulot o clearances para kanilang mga departure.
Batay sa record ng BI detention center nadiskubre na tatlo ang kanilang kinokonsidera o indentified high-risk detainees na kinabibilangan ng tatlong babaeng buntis, kung saan ang dalawa ay nag-put up ng bail at ang isa ay pinauwi na sa kanilang bansa.
Kasabay nito nag buo si Morente ng BI-Covid Task Force na siyang magiging responsable sa lahat ng mga empleyado sa pagbigay ng appropriate medical response sa sakit na may kinalaman sa COVID-19. FROI MORALLOS
Comments are closed.