TEMPORARILY closed ang opisina ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila dahil sa disinfection makaraang magpositibo ang tatlong kawani sa COVID-19.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, magsisimula ang closure ng BI main building mula ngayon hanggang bukas kasabay na ipapatupad ang anti-body rapid test sa lahat ng kanilang empleyado.
Ayon pa kay Morente ang empleyadong may positibong result ay agarang isasailalim sa confirmatory swab test.
Ito ay batay sa rekomendasyon ni BI Deputy Commissioner Aldwin Alegre, BI COVID-19 Task Force Chair, na mag-undergo ang mga kawani at maging ang mga opisyales ng ahensiyang ito.
Samantala, isasalang sa rapid test sa ikalawang bugso ang lahat ng immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para maseguro na ligtas ang mga ito sa sakit na ito. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.