BI MAY BAGONG SATELLITE OFFICE SA CENTRAL LUZON

Bureau-of-Immigration-NAIA

NUEVA ECIJA – BINUKSAN ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang satillite Office sa Palayan, upang hindi na pumunta sa Maynila ang mga dayuhan na naninirahan dito kapag mayroong problema sa kanilang opisina.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang opisinang ito, aniya ay bahagi ng bagong government center building na nasa business hub sa nasabing bayan.

Ang Palayan City Business Hub (PCBH) ay umaabot sa tatlong hektarya ( 3 ) isang PEZA-accredited area kung saan matatagpuan ang iba’t ibang government offices, business processing offices, educational institutions, at mga hotel.

At aniya ito ang magiging daan upang ma­bigyan ng oportunidad ang mga kababayan natin sa lugar na ito para makapagtrabaho, at ito ay dinisenyo bilang isang information technology park.

Dagdag pa ni Morente, sa kabila ng malalapit na BI offices sa Clark Field Office at Dagupan Field Office naisipan niya na maglagay sa Nueva Ecija sapagkat kakailanganin din ang immigration services sa rehiyon na ito partikular na sa mga dayuhan na naninirahan dito.

Ang BI Nueva Ecija Field Office ay matatagpuan sa 2nd Floor ng PCBH, malapit sa opisina ng Department of Labor and Employment, Department of Foreign Affairs, Philippine Overseas Employment Agency, Department of Information and Communication Technology, at iba pang ahensiya ng pamahalaan. FROILAN MORALLOS