BI NAALARMA SA PAGDAGSA NG SEX OFFENDERS SA BANSA

NAALARMA ang Bureau of Immigration (BI) sa sunod-sunod na pagdating o pagdagsa ng sex offenders sa mga paliparan sa bansa.

Sa impormasyon na nakalap sa pamunuan ng ahensiyang, nitong nakaraang Linggo ay sunod-sunod na sex offenders ang pinabalik ng mga tauhan ng Immigration sa kanilang mga port of origin upang maiwasan mabiktima ang mga minor de edad sa bansa.

At nitong Miyerkules, dalawang magkasunod na convicted American pedophile ang hinarang ng mga tauhan ng Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kasong panghahalay sa 13 anyos na babae sa kanilang lugar.

Kinilala ang suspek na sina Francisco Narvios Tucson, 55- anyos at Dale Lloyd Bayless, 65- anyos na magkakasunod na dumating sa NAIA.

Si Tecson ay naunang dumating sakay ng Eva Air flight galing Taiwan at si Bayless ay nitong Miyerkules ng gabi lumapag sa NAIA.

Ayon sa report ng BI, Tecson ay convicted noong 2010 dahil sa indecent contact sa 8-anyos na batang babae sa United States.

At si Bayless ay convicted noong 1990 sa kasong sodomy noong 1989 sa 9-anyos na batang babae sa Missouri. FROILAN MORALLOS