NAKIPAGKASUNDO ang Bureau of Immigration (BI) sa Philippine Center of Transnational Crime (PCTC) upang mapalawak ang kanilang Interpol Global Communication System sa lahat ng kanilang field office sa buong kapuluan.
Nakasaad sa naturang memo na magi-install ang BI ng 24/7 Interpol Global Communication System sa lahat ng BI offices kasama na ang mga seaports upang maging madali ang pag-aresto sa mga illegal alien.
Matatandaan na ang kanilang system ay limitado lamang sa mga BI personnel sa ibat-ibang airport kabilang ang Ninoy Aquino International Airport, Clark International Airport, Bohol-Panglao International Airport, Subic International Airport, Cagayan North International Airport, at Zamboanga International Airport.
At bukod dito ang kanilang 24/7 system ay para lamang sa screening ng mga pasahero sa international ports kaya mahirap maka-intercept o makahuli sa mga undesirable alien na pumapasok sa bansa. FROILAN MORALLOS