BI NAGBAWAS NG WORKFORCE SA NAIA

NAIA

NAGBAWAS ng work force ang Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang kanselasyon ng iba’t ibang flight dahil sa travel restriction dulot ng COVID-19 outbreak.

Ipina-relocate ang kanilang mga opisina sa Terminal 1 kung saan ang lahat ng mga flight ay lalapag at magte-take off,ayon kay  BI Commissioner Jaime Morente l.

Ito ay makaraang ilipat ng Manila International Airport Authority (MIAA), ang lahat ng mga flight sa NAIA Terminal 1 dahil sa pagsuspIndi ng mga airline sa kanilang operasyon habang on going ang enhanced community quarantine.

Kay nag-assign na lamang ang kanyang opisina ng mga skeletal force sa NAIA.

Bukod dito,  para makaiwas ang kanyang mga tauhan na mahawaan ng coronavirus.

Aniya, ito ay bilang pagsunod sa requirements ng ECQ para ma-maintain ang minimal number of employees.

Dagdag pa ng komisyoner,  naka-stand by ang kanilang mga immigration officer kung kakailanganin o kukulangin ng tauhan sa immigration counters. FROI MORALLOS