BI NAGLAGAY NG ONE STOP SHOP SA NAIA

Commissioner Jaime Morente-6

PARANAQUE CITY- MAKIKIPAGTULUNGAN ang Bureau of Immigration (BI) sa mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagtukoy ng incoming overseas Filipino workers (OFW) na maaring dumaan  o subject sa mass testing at mandatory 14-day quarantine, na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ito ay bilang pagsunod sa kautusan ng IATF na naglalayong dumaan ang lahat ng OFW sa mass rapid testing pagdating sa airport bago dalhin sa mga designated facility mandatory quarantine.

Ayon sa report na nakarating kay BI Commissioner Jaime Morente nadiskubre ng kanyang mga tauhan na karamihan sa mga dumarating OFW hindi umaamin kapag dumaraan sa immigration counter para makaiwas sumailalim ng mandatory quarantine.

Upang hindi makaiwas ang mga ito naglagay ng one stop shop ang BIsa NAIA na siyang magiging responsable sa pag-check ng mga umuuwing OFW, at maseguro na daraan sa health screening at inspection ng Bureau of Quarantine (BOQ).

Ang pasahero na walang maipakitang quarantine registration sa immigration counter ay pababalikin sa opisina ng BOQ para sumailalim ng COVID-19 symptoms testing bago palabasin sa airport.

Paglabas sa airport ay sasalubungin ang mga ito ng appropriate government agencies representatives sa bus na magdadala sa kanila sa designated quarantine facility. FROI MORALLOS

Comments are closed.