BI-NAIA INALERTO SA HUMAN TRAFFICKING SYNDICATES

Commissioner Jaime Morente-4

PINAALALAHANAN ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang airport sa bansa, matapos makarating sa kaalaman ng ahensiya ang balak ng human trafficking syndicates na maipuslit palabas ng bansa ang kanilang mga biktima.

Ipinag-utos ni Commissioner Jaime Morente sa lahat ng airport terminal heads ng BI at supervisors na ipatupad ang strict immigration assessment sa mga pasahero bilang pagsunod sa kanilang “Oplan Undas”  program.

Ayon kay Morente, positibo ang kanilang natanggap na impormasyon na magpapalabas ng bansa ang mga illegal recruiter ng kanilang mga nabiktima sa human tracfficking.

Dagdag pa ni Morente, may nakarating sa kanyang opisina na magdi-disguise ang mga nabiktima ng human trafficking bilang mga turista upang makalabas ng bansa gamit ang tourist visa.

Kasabay na ipinag-utos ni Morente sa mga Immigration officers manning ll na doblehin ang pagrebisa sa mga pasaporte ng mga foreigner para makaseguro na mga orihinal ang dalang visa at iba pang travel documents ng mga ito.      FROILAN MORALLOS

Comments are closed.