BINABANTAYAN ng Bureau of Immigration (BI) ang patuloy na ginagawang pagrerecruit sa mga Pilipino na biktima ng human trafficking sa ibang bansa ng sindikato upang magtrabaho sa illegal online gaming operations.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ilan sa patunay ng operasyon nito ay ang mga nasasabat ng immigration officers na mga Pilipino na nagtatangkang lumabas ng bansa upang magtrabaho sa mga illegal online gambling.
“Many of these passengers, disguised as tourists, are usually bound for Thailand while others are destined for Cambodia or Myanmar. These recruitment scams show no sign of stopping,” ayon kay Tansingco.
“This explains why our officers at the airport are doubly strict in allowing the departure of Filipino tourists with doubtful travel purposes. We are duty-bound to protect our citizens from being victimized by these trafficking syndicates.” dagdag pa ng BI Chief.
Matatandaan na noong Marso 8, isang babaeng pasahero ang pinigil Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na nakasakay sa biyaheng Singapore matapos nitong aminin na ni-recruit siya para sa siang offshore gaming company sa Thailand mula sa nakilala sa facebook at pinangakuan ng US$1,000 kada buwan.
At noong Marso 9, pinigil din ng mga opisyal ng BI sa NAIA Terminal 3 ang limang pasahero patungo ng Bangkok.
Lahat ng nasabing mga pasahero ay nagsabing pawang mga turista, pero nahuli sila dahil sa mali-mali nilang statement at detalye ng kanilang mga biyahe. PAUL ROLDAN