BI NAKIPAG-TIE UP SA APC PARA LABANAN ANG HUMAN TRAFFICKING

NAKIPAG-TIE UP ang Bureau of Immigration (BI) sa Airport Press Club (APC) ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pamamagitan ng isang Memorandum of Understanding (MOU) upang labanan ang human trafficking sa bansa.

Nakasaad sa naturang kasunduan ang APC ang siyang responsible sa pagpalaganap ng mga impormasyon na may kaugnayan sa modus operandi ng human trafficking at illegal recruitment sa buong kapuluan.

Nagkasundo rin ang bawat panig na maprotektahan ang seguridad ng mga biktima upang hindi maisiwalat ang pagkakilanlan ng mga ito bilang pagsunod sa anti-trafficking laws.

Bilang karagdagang ang Immigration, siyang may kakayahan o tulungan ang APC ng sa gayon maiangat ang kaalaman laban sa human trafficking at illegal recruitment sa pamamagitan ng workshops, seminars, and resource development.

Inaasahan ng bawat panig na ang kasunduang ito ang siyang magsisilbing daan upang masawata o matingil ang numero unong problema ng pamahalaan laban sa Human Trafficking. FROILAN MORALLOS