BI WARDEN FACILITY SINALAKAY NG MGA TAUHAN NG PNP

NILUSOB ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) nitong nakalipas na dalawang araw ang Bureau of immigration (BI) Warden Facility sa Bicutan, Taguig City.

Kabilang sa mga sumalakay ay ang Intelligence Division at Anti-Terrorist ng Bureau of Immigration (BI), Philippine National Police National Capital Region Police Office (NCRPO), PNP Special Weapons and Tactics (SWAT), at ang PNP NCRPO -Regional Mobile Force Batallion (RMFB).

Nakuha sa mga detainee ang ibat-ibang gadgets, katulad ng tablets, laptops, cellphones, alak, gambling paraphernalia, kitchen knives, gunting at iba pang matutulis na bagay.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang isinagawang raid ay kasama sa kanilang plano para sa random surprise inspections upang matiyak na drug-free ang piitan.

Mahigpit na ipinagbabawal ang mga gadget, gambling paraphernalia at matutulis na bagay para maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pangyayari sa loob ng pasilidad. F MORALLOS