SASAILALIM sa capacity building course ang BI Warden facility personnel ng Bureau of Immigration (BI) sa Taguig sa sa Pebrero 21 upang matututan ang control tactics at dagdag kaalaman sa paghawak ng mga detainee.
Ayon sa pamunuan ng BI, pangangasiwaan ng United States Marshals Service ang training sa capability building course kung saan naka-focus sa law enforcement, self- protection at arrest procedures.
At bukod sa mga jail warden kasama rin sa naturang aktibidades ay ang mga kawani ng Fugitive Search Unit (FSU),l bilang dagdag kaalaman habang nagpapatupad ng tungkulin.
Ayon pa sa opisyal ng BI, “ the capacity-building training is very timely, as it is in line with our priority area of improving the skills of our personnel, as well as upgrading security in our facility.”
Matatandaan na nitong nakalipas na Linggo ipinatupad ng BI ang nation- wide revamp ng kanilang mga empleyado bunsod sa sunod-sunod kapalpakan na kinasangkutan ng ilan sa kanilang mga tauhan sa airport.
Ayon sa impormasyon 36 ang bilang ng mga empleyado tinamaan sa revamp na kinabibilang ang mga matatas na opisyal na nakatalaga sa ibat-ibang Paliparan. FROILAN MORALLOS