BIADO PAMBATO NG BILLIARDS SA SEAG

Carlo Biado

ISA sa mga inaasahang mananalo sa billiards sa Southeast Asian Games na gagawin sa Vietnam sa susunod na taon si Carlo Biado.

At dahil sa kanyang angking galing at malawak na karanasan ay kumpiyansa si coach Rodolfo ‘Boy’ Luat na mapananatili ng 35-anyos na  billiards wizard mula  Rosario, La Union ang kanyang winning streak.

“Carlo is one of our best bets for the gold and I am confident he will do it again in Vietnam like he did in three previous SEA Games,” sabi ni Luat, dati ring miyembro ng national team at  n­aglaro sa maraming international billiards competitions, kabilang ang SEA Games.

“We will field our best players top billed by Biado because our mission in Vietnam is to win many golds, silvers and bronzes,” wika ni Luat.

Magugunitang nanalo rin si Biado sa Asian Indoor Games at Martial Arts sa Turkmenistan at sa World 9-Ball sa Qatar kung saan tinalo niya ang kapwa  Filipino na si Roland Garcia sa finals, 13-5.

Makikipag-alyansa si Biado kina fellow veterans at SEA Games gold medalists Rubilyn Amit, Chezka Centeno, Dennis Ocollo, Warren Kiamco at Alvin Barbero sa kampanya sa biennial meet.

Tulad ni Luat, kumpiyansa rin si billiards secretary general at Philippine Olympic Committee official Ro­bert Mananquil na mu­ling mananalo si Biado at kanyang mga kasamahan.

“Big fighting heart plus determination and the will to win will propel them once again to the victory stand,” ani Manan-quil.

Regular na nag-eensayo si Biado at ang mga kapwa niya national players sa 12 billiards table sa Philippine Center for Sports Medicine building bilang paghahanda sa SEA Games sa Vietnam.

Sinabi ni Biado na malaking impluwensiya si Efren “Bata” Reyes sa kanyang career. CLYDE MARIANO

Comments are closed.