MAKARAAN ang matagumpay na kampanya sa katatapos na Vietnam Southeast Asian Games kung saan siya nanalo ng ginto, sasabak si Carlo Biado sa World Games na gaganapin sa Hulyo sa Birmingham, Alabama.
Pupunta si Biado sa Alabama na mataas ang morale sa panalo niya sa SEA Games.
Determinado ang 37-anyos na 2021 US Open champion na sungkitin ang ikalawang ginto makaraang manalo rin sa Lousiana. “Pinaghandaan ko nang husto dahil malalakas at world-class ang mga kalaban,” sabi ni Biado.
Bukod kay Biado, ang iba pang Pinoy na lalahok sa World Games ay sina Kim Marion Mangrobang, Filipino-Spaniard Fernando Casares, Junna Tsukii, Annie Ramirez, Philip Delarmino at Leeana Bade.
Nakapasa sina Mangrobang at Casares sa 2022 Asian Duathlon sa Bahrain, Tsukii at Ramirez sa World Karate, habang nadominahan ni Delarmino ang 75kg. sa World Muaythai na ginawa sa Phukett, Thailand.
Nabigyan naman si Bade ng wild card sa 63.5kg. sa World Muaythai. Si Bade ay anak ni dating PBA player Crisaldo Bade. CLYDE MARIANO