BIANCA AT JERIC MAY BAGONG CAREER BILANG RECORDING ARTISTS

bianca and jeric

MAY bagong career ang dalawang pinakahinahangaang talents ng GMA Artist Center na sina Bianca The pointUmali at Jeric Gonzales. Happy sina Bianca at Jeric sa latest achievement na ito sa kanilang career.

Nagpapasalamat din sila sa pagkakataong ibi­nigay sa kanila ng GMA Records para maibahagi ang kanilang pagmamahal sa musika at makapag-perform ng mga kantang malapit sa kanilang mga puso.

“Now that I am with GMA Records, sobrang saya ko dahil pangarap ko talaga ito. It’s one of my dreams to have a single. I am very happy to be part of the GMA Records family,” wika ni Bianca.

Inspirado naman si Jeric dahil nakabalik siya sa dati niyang hilig-ang paggawa ng kanta.  Umaasa siyang ang bagong development na ito ang magbo-boost ng kanyang karera.

“Mas makikilala nila ako. Makikita nilang kaya ko ring tumugtog ng gitara, piano, at drums. May mga kanta akong gagawin based on personal experiences na may mga hugot. I’m sure makaka-relate rin ang listeners,” ani Jeric.

Natutuwa si GMA Network Chief Financial Officer and GMA Records Executive Vice President Felipe S. Yalong sa pagpirma nina Bianca at Jeric bilang pinakabagong recording artists ng GMA Records.

“I’m so happy. Finally, Bianca realized her love for music as she grows in the Network. As she has said, it’s her dream to become a singer and to perform. Now, it’s turning into reality already. For Jeric, natutuwa kami dahil it’s long overdue. He’s really a good singer. I am happy, together with GMA Records, that they finally signed with us,” lahad ng GMA executive.

Nakatakdang maglabas sina Bianca at Jeric ng kanilang individual singles sa ilalim ng GMA Records.

AIKO MELENDEZ NAHANAP NA ANG FOREVER

AIKO MELENDEZNANINIWALA si Aiko  Melendez na may tao talagang itinakda na makasama niya habang buhay. Aniya, nakikita niya ito sa kanyang bagong boyfriend na si Mayor Jay Khonghun.

Si Jay ay  kasaluku­yang mayor ng Subic.

“Never been happier mula nang maging kami,” hirit ni Aiko.

Sobra ring nagpapasalamat si Aiko dahil tanggap nito ang dalawa niyang anak na sina Andre  mula kay Jomari Yllana at Marthena na anak naman niya kay Martin Jickain.

Tsika pa niya, very close daw ang mga anak niya sa boyfriend na kung minsan ay nagtatampo rin umano siya dahil mas alam pa nito ang problema ng mga anak kaysa sa kanya.

Si Aiko ang bida sa pelikulang “Tell Me Your Dreams” ni Anthony Hernandez. Tinatalakay ng pelikula ang dedikasyon, determinasyon at sakri­pisyo ng pagiging isang guro.

Layunin din ng pelikulang itaguyod ang values formation ng mga bata, ang karapatan nila sa tamang edukasyon, pagbibigay importansiya sa mga katutubo, at ang ‘di mapantayang debos­yon ng mga guro sa kanilang pagtuturo.

DEVON SERON GUSTONG MAKATRABAHO ANG DYOWA

NGAYONG Kapuso na si Devon Seron, gusto niyang makatrabaho sa isang teleserye o TV show angdevon seron kanyang dyowa na si Kiko Estrada.

“Actually, gusto na­ming makatrabaho ang isa’t isa. Iba kasi iyong passion niya for acting. Tinuturuan niya nga ako how to deliver the lines well. Very passionate siya sa pag-arte. Marami akong natututunan sa kanya. Parang nadadala rin ako sa drive niya,” ani Devon.

Nilinaw naman ng dating Star Magic talent na walang naging problema ang pag-oober-da-bakod niya sa Siyete.

Actually, matagal na akong nag-decide. Inantay ko lang talaga na matapos ang contract ko. Matagal na talaga akong nagpaalam sa kanila. So far, sinusuportahan naman nila ako,” paliwanag ni Devon.

Katunayan, grateful siya sa opportunities na ibinigay sa kanya ng Star Magic noong nasa ABS-CBN pa siya.

“Seven years din ako sa Star Magic at marami rin akong naging projects at characters na na-portray. Thankful ako for the opportunities. Okay naman ang paghihiwalay namin. No burning of bridges or anything,” esplika niya.

Comments are closed.