MAGANDA ang naging ratings ng “Sahaya” nang magsimula nang umere ito sa original timeslot na pagkatapos ng “Kara Mia”. Pero ngayon ay nagkaroon ng pagbabago sa timeslot ng GMA 7 sa gabi, sa pagtatapos ng “Kara Mia” papalitan ng “Sahaya” ang iniwan nilang timeslot at susundan naman ito ng “The Better Woman” at nananatili ang “Love You Two” sa kanilang original timeslot.
Aminin man o hindi mahirap banggain ang katapat na show ng karibal na estasyon at patuloy itong umaarangkada sa rating sa loob halos ng 3 taon. Ano kaya ang nararamdaman ni Bianca ngayon isasabong ang kanilang teleserye laban sa number one teleserye ng Dos?
Ani ni Bianca, kabado raw silang dalawa ng kanyang leading man na si Miguel Tanfelix sa mangyayaring banggaan. Malakas na raw kasi ang “Sahaya” sa dati nitong timeslot at marami na silang followers. Dasal na nga lang ni Bianca na sana ay patuloy pa rin silang suportahan ng kanilang avid viewers at sana raw ay madagdagan pa sila ng mas maraming viewers ngayon na nalipat na sila sa mas maagang oras.
Lahat halos ng teleseryeng ginawa nina Miguel at Bianca ay pawang mga top raters at tinatalo nila ang katapat nilang show, by this time kaya, manatili kaya ang powers ng loveteam ng dalawa laban sa hari ng primetime ng Kapamilya Network?
KEN CHAN AT RITA DANIELLA TULOY-TULOY LANG ANG LIGAYA
ACCIDENTAL loveteam lang ang nangyari kina Ken Chan at Rita Daniella sa teleseryeng “My Special Tatay”, kung saan ay si Arra San Agustin talaga ang nakatokang maging love interest ni Ken sa naturang teleserye.
Pero, nang umeksena na si Rita sa love affair nina Ken at Arra, tila mas kinilig ang televiewers sa dalawa kaysa sa original loveteam. Sa pagtatapos ng “My Special Tatay” ay hindi naman natapos ang loveteam nina Ken at Rita, nagkaroon pa sila ng duet sa isang single album at nag-concert pa mandin na tinangkilik din ng masa.
Ngayon ay magkasama na rin sila bilang bagong cast sa “Studio 7” kung saan ay ipapakita naman ng dalawa ang kanilang angking galing sa pagkanta at pagsayaw.
But wait, there’s more, at tila wala na talagang hiwalayan ang dalawa sa kanilang loveteam dahil nagsimula na sina Ken at Rita sa panibago nilang teleserye na wala pang working title sa ngayon at hindi na ito pang afternoon block kundi sa primetime na ng GMA 7.
Kung sa mga naunang teleseryeng ginawa ni Ken, ay bilang transgender sa “Destiny Rose” at may intellectual deficiency naman sa “My Special Tatay,” sa bago niyang teleserye ay normal na binata lang si Ken na nangangarap na matagpuan ang kanyang true love.
Abangan!
Comments are closed.