SOBRANG proud ang basketball player na si JC Intal sa kanyang asawang si Bianca Gonzalez dahil bongga nitong nailusot ang unang araw ng pagiging main host sa Pinoy Big Brother.
Unang araw ng pagiging main host ni Bianca sa live eviction night ng PBB matapos mag-resign ni Toni Gonzaga noong February 12, Sabado. Maganda ang naging reaksyon ng mga manonood ng PBB sa nasabing episode.
Ani Bianca, sobra rin siyang nagpapasalamat sa naibigay sa kanyang pagkakataon at pagbubutihin niya ang kanyang paghu-host.
Nagsimula si Bianca bilang PBB host noong 2006 matapos maging housemate sa unang celebrity edition. Nakasama noon ni Bianca sina Toni at Mariel Rodriguez, at silang tatlo ay nakilala bilang “Kuya’s Angels.”
Matapos magpaalam si Toni bilang host ng PBB, napasa kay Bianca ang iniwan niyang posisyon. Si Toni naman ay mukhang lilipat sa AMBS Network ni Manny Villar kasama si Willie Revillame — KNMartin