NAIKUWENTO na dati ni Bianca King sa inyong columnist ang pagbubukas ng restaurant na “Runner’s Kitchen” na located sa kahabaan ng Tomas Morato sa Kyusi. Ilan daw silang magkasosyo rito at ang sine-serve nila ay mga healthy food o organic na maganda sa katawan ng tao.
May isa pang business si Bianca sa Rockwell Makati ang “Beyond Yoga,” at malakas ito lalo na sa mga mahilig sa exercise na ito. Pagdating naman sa kanyang lovelife ay happy and contented ang magandang aktres sa kanyang boyfriend na si Luis Villafuerte na youngest brother ng kasalukuyang Govenor ng Camarines Sur na si Migz Villafuerte.
INDIE DIRECTOR REYNO OPOSA TARGET ANG INT’L
FILMFEST PARA SA KANYANG MGA OBRA
ISA sa mga sikat at premyadong director na ina-idolize ni Direk Reyno Oposa ay si Direk Elwood Perez na na-meet na niya personally at nakakuha raw siya ng ilang tips dito pagdating sa directing. Well, unti-unti na ring gumagawa ng pangalan si Direk Reyno na busy sa kanyang tatlong proyekto ngayong taon. Nakatakda nang magkaroon ng international viewing in selected Cinemas sa Toronto, Canada ang kanyang obrang “Agulo: Hinagpis Ng Gabi,” na hinangaan ng Ontario actor-cinematographer na si Peter Hodgins at Angeliki Symeonides ng Murder of Memory.
Mga bida sa Agulo sina Janice Jurado, Kristoffer King, Pamela Ortiz, Khristian Michael Villanueva, Mo- nits Torres, Tonz Are, Jen Jalandoni at introducing sa film ang bini-build up ng director na si Brav Barretto.
Tapos na rin gawin ni Direk Reyno ang “Takipsilim,” na intended for Cinemalaya this year para sa short film category. Ang kuwento nito ay tungkol sa isang bulag na Ama na hinihintay na lang niya ‘yung huling yugto ng buhay niya.
Inaalagaan siya ng 10 year old daughter niya, na kahit ganun pa mang nanatiling salat ang buhay niya ay naitawid pa rin at pinasasalamatan ang lahat sa buhay niya na kahit sa kanyang huling kaarawan ay naramdaman pa rin niya ‘yung ligaya na kuntento na siya sa buhay kahit lilipas man siya sa mundong ibabaw.
Parte ng cast sina Lino Sulapas, Aquilino Oposa, at Angela Oposa. Uumpisahan na rin ni Direk Reyno next month ang shooting para sa bagong short film na Bulong (Whisper) na ang storyline ay tungkol sa batang babae na inabuso at ginahasa ng kanyang stepfather at bibida rito ang susunod daw sa yapak ni Kristoffer King na si Brav Barretto na mapupuri mo ang husay sa acting at professionalism ka-join din sa project na ito ang anak-anakan namin sa showbiz na si Khristian Michael at intended rin daw ito sa international film festival.
Based na pala sa Toronto Ontario Canada si Direk Reyno na nagtapos ng film making sa Toronto Film School at RCC Institute of Technology na nasa Toronto din. Aba’y hindi pala puwedeng isnabin ang credentials nito pagdating sa paggawa ng pelikula. Lahat ng indie movies ni Direk Reyno ay produce niya.
MGA IMPORTED NA KANDIDATA NG “SUPER SIREYNA WORLDWIDE
2018″ MALAPIT NANG MASILAYAN SA EAT BULAGA
IPINAKIKITA na sa video clip sa FB Live ng Eat Bulaga ang pagdating ng mga kandidata sa “Super Sireyna Worldwide” na mula sa iba’t ibang bansa. Isa-isang sinasalubong sa NAIA airport ni Super Sireyna Queen of Queens 2013 na si Francine Garcia ang lahat ng candidates at last Monday ay kumpleto na ang official candidates sa pinakamalaki at fabulous na Gay Beauty Pageant sa TV. Ilan sa magiliw na na-interview ni Francine ay sina Super Sireyna Australia Taliah Talz, Super Sireyna USA Kataluna Patricia Enriquez, at Super Sireyna Mexico na si Miranda Lombardo.
May isang kandidata na nagbigay ng regalong stuffed toy kay Francine na ikinatuwa ng gay beauty queen. Ilan pa sa mga bansang kalahok rito ay ang Brazil, Spain, Venezuela, Angola at Philippines atbp. Malapit ng magsimula ang Super Sireyna Worldwide at abangan ‘yan sa nag-iisang number one and longest-running noontime variety show na Eat Bulaga.
Comments are closed.