BIANCA UMALI AT MIGUEL TANFELIX HIWALAY NA; RURU MADRID PUMALIT

MIGUEL-BIANCA-3

ANO ba ang nangyayari kay Bianca Umali, sige siya ng mga hugot line last Sunday sa “Sunday showbiz eyePinasaya.”  Kahit si Marian Rivera, sa segment niya na kasama si Bianca, pinuna nito ang mga hugot line tulad ng “hindi ako ipinaglaban,” “ganu’n na lang ba tulad ng dati kong lovelife?” at iba pa.

Balita kasing break na sila ng dating boyfriend na si Miguel Tanfelix, pero sila pa rin daw ang magka-love team, in fact may ginagawa silang movie sa APT Entertainment, at may coming teleserye silang gagawin sa GMA.  Ewan lamang sa “Sunday PinaSaya” kung sila pa rin ang magiging magka-love team.

Pero mukhang si Ruru Madrid na ang pumalit kay Miguel. Una silang nakitang magkasama sa Japan noong Undas, at last week spotted naman sila Siargao at hindi naman nila itinago na magkasama sila.

Tahimik naman si Miguel, wala siyang comment sa mga nagtatanong sa kanya. At kapo-post lamang niya sa kanyang Instagram na nagsimula na si-yang magtayo ng sariling family business.  “It started with a simple idea and the will to achieve it and make it happen.  My milktea shop @originalpinoymilktea and my mom’s nail salon are now officially open for business.  Drop by soon! I’ll serve you milktea.”

Kahit dagdag na si Regine

‘ASAP’ LAGLAG PA RIN SA RATING NG ‘SUNDAY PINASAYA’

REGINE-ASAPGUSTO naming batiin ang “Sunday PinaSaya,” dahil kahit siniraan silang magbabago sila ng mga segment nila dahil natatakot sila sa katapat nilang noontime show na “ASAP” na pinangunahan na simula noong Sunday, November 18, ni Regine Velasquez, hindi naman sila nagpatinag.

Ayon kay Rams David, Executive Producer ng noontime variety show, wala silang babaguhin, mananatili sila sa pagbibigay ng saya sa mga mano­nood nila tuwing Linggo ng tanghali, dahil doon sila nakilala sa mga comedy sketches na ginagawa nila.  Siguro ang idadagdag nila ay ang pagbabalik ng mga dating comedy show ng GMA tulad ng “Ober de Bakod” para i-refresh sa mga millennial ang mga comedy show and skits noon.

True enough, sila pa rin ang number one noontime show every Sunday, ayon sa AGB Nielsen NUTAM, nagkamit sila ng 6.3% over ASAP na nakakuha ng 5.7%.  Kung hindi kami nagkakamali sa loob ng tatlong taon nang napanonood ang “Sunday PinaSaya,” laging sila ang nangunguna sa rating game.

Isa pang show na produced ng APT Entertainment at M-Zet Productions, ang “Daddy’s Gurl,” nakakuha naman sila ng 10.7% laban sa PBB Otso na 9.2% Congratulations!

ALDUB NATION MASAYA SA PAGBABALIK NI ALDEN SA EB

ALDEN-3MASAYA na ang AlDub Nations na ngayong tapos na ang “Victor Magtanggol” mapanonood na nila daily si Alden Richards sa noontime show na “Eat Bulaga.”  Pero wish naman nila na hindi lamang tuwing Saturday nila mapanonood si Alden na kasama ng ka-love team na si Maine Mendoza sa Broadway Studio.  Last Monday kasi, nasa Broadway nga si Alden, nasa barangay naman si Maine.  Nanghinayang sila dahil sa Sta. Rosa, Laguna ang Sugod-Bahay. Biniro nga ni Jose si Alden na nakaupo naman sa panel, na pupunta raw sila sa bahay nina Alden, sagot nito, walang tao sa bahay nila, mga alagang aso lamang niya ang nandoon. Try again, Aldub Nation!

Comments are closed.