BIANCA UMALI GINAWARAN NG GERMAN MORENO YOUTH ACHIEVEMENT AWARD NG FAMAS

bianca umali-3

CONGRATULATIONS kay “Sahaya” star Bianca Umali, sa pagtanggap niya ng German Moreno Youthshowbiz eye Achieve-ment Award mula sa 67th FAMAS Awards (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards) last Sunday evening, na ginanap sa Meralco Theater.

Nagpasalamat agad si Bianca sa kanyang Instagram wall: “Maraming salamat po, FAMAS, sa parangal na ito.  Tulad po ng sabi ko, isa pong karangalan ang mapansin at mabigyan ng parangal.  Ang mga bagay po na tulad nito ay isa sa mga nagsisilbing inspira-syon sa mga katulad ko pong nangangarap, na ipagpatuloy na husayan po dito sa ating industriya.  Maraming salamat po, Panginoon!

Sa aking network, GMA 7, sa lahat po ng mga sumusuporta at nagmamahal sa akin, sa aking pamilya, most especially sa aking lola, Mama, DAHIL at PARA sa inyo ito. Napakasarap po sa puso.  Muli, maraming-maraming salamat po!”

Ang German Moreno Youth Achievement Award ay ibinibigay ng yumaong German Moreno noon pa bilang pagkilala niya sa  achievements na natatanggap ng mga young stars, at ngayon ay ipinagpapatuloy ng anak niyang si Federico Moreno.

Umani ng comments ang post ni Bianca mula sa mga co-Kapuso stars niya at mga fans at televiewers na gabi-gabi raw ay su-musubaybay sa kanyang epic drama na napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng “Kara Mia” sa GMA 7.

ALDEN AT KATHRYN MULING BINULABOG ANG HONG KONG

ALDEN-KATHRYN-3MULI na namang nabulabog ang Central Hong Kong last Sunday, April 28, dahil pagdating pa lamang from the Philippines ni-na Alden Richards at Kathryn Bernardo, Lovely Abella, Joross Gamboa, Cacai Bautista at Jeff Tam, from the airport, diretso na sila sa location.  Sunday ang day-off ng OFWs doon kaya talagang naiipon silang lahat kapag day off, mula umaga hanggang 5:00 pm, bago sila bumalik sa kanilang mga amo.

Kinailangan na ni Direk Cathy Garcia-Molina na gu­mamit ng megaphone para marinig ng fans and onlookers ang instructions niya para sila makapag-shooting.  Ilang araw pa silang magsu-shooting sa Hong Kong bago bumalik ng Filipinas.  Ilang shooting days pa sila roon bago tuluyang matapos ang “Hello, Love, Goodbye” ng Star Cinema.

INAH DE BELEN NALILINYA NA RIN SA HORROR FILM

INAH DE BELENSI Inah de Belen ay anak ni Janice de Belen na kilala sa horror movie na “Anak ni Janice” kaya ngayong may horror movie si Inah na “Ma­ledicto,” tinanong siya kung humingi raw siya ng tips sa mommy niya para magampanan niya nang maayos ang role niya bilang si Mara, ang kapatid ni Fr. Xavi, played by Tom Rodriguez.  Mara met a tragic death at iyon ang tinutuklas nina Fr. Xavi at ng madreng si Sister Barbie (played by Jasmine Curtis Smith, sa pamamagitan ni Agnes played by Miles Ocampo na nakitang may demonic behaviour at naapektuhan nito ang simbahan.

“Hindi po ako humingi ng tips kay Mommy,” sagot ni Inah.  “Pinanood ko po lamang ang movie niya and from there, kumuha na ako ng puwede kong gawin sa “Maledicto.”  Gusto ko matutunan ko ang acting sa sarili ko lang.  And thankful po naman ako, kasi pasado naman sa mga director ko ang mga ginagawa ko.”

Produced by Fox Philippines, Cignal Entertainment and United Pictures, directed by Mark Meily, prem-iere showing na ng “Maledicto” ngayong Wednesday, May 1, in cinemas nationwide.

Comments are closed.