LAST March 2 ay kaarawan ni Bianca Umali at 19 years old na siya. Nagkaroon ng birthday celebration sa Sunday Pinasaya at tinanong siya ng mga kasamang artist kung ano ang kanyang birthday wish. Hindi na raw siya magwi-wish dahil marami nang blessing ang ibinibigay sa kanya.
“Mas nagpapasalamat na lang ako sa mga blessings na dumarating,” ang masayang say ni Bianca.
Isa nga sa magandang blessing na natanggap ni Bianca ang epic seryeng “Sahaya” na siya ang lead star.
Makakapareha niya sa serye si Miguel Tanfelix at ka-love triangle na si Migo Adecer. Bale ang “Sahaya” ang papalit sa timeslot ng magtatapos na “Onanay.”
Dahil nali-link si Bianca kina Miguel at Ruru Madrid ay pilit na tinatanong ng mga makukulit na fans kung ano raw ang birth-day gift ng ka-loveteam na si Miguel at kung natapatan daw ba ito ng birthday gift ni Ruru?
Well, sino nga ba kina Miguel at Ruru ang tunay na nagmamay-ari ng puso ni Bianca Umali?
ANGELICA PANGANIBAN SINIRAAN NG KAMPO NI CARLO AQUINO
SIGURADONG magugulat ang ginawang paninira ng babae na nagsabing laspag na si Angelica Panganiban dahil nakarating na sa actress ang pag-uusap at paninira sa kanya ng naturang babae na sabi ay kumare raw ito ni Carlo Aquino at ang pangalan raw nito ay si Margaux.
Part nga raw ng pag-uusap nina Margaux at Mary Ann ay marami na raw lalaki ang nagdaan sa buhay ni Angelica kaya laspag na raw ang katawan ng actress.
Sumagot daw si Margaux ng, “unfair naman tatlo lang sa pagkakaalam ng lahat. pero, grabe, lalo na si JLC or si Derek? Both kasi sila ‘yung naka-‘leave’ in (imbes na live-in).”
Sagot naman ni Angelica sa pag-uusap ng dalawang babae na walang magawa yata sa buhay.
“Dear Margaux, alam mo kung sino. Alam mo rin ang mga sinabi mo. May mga nagawa ako noong bata ako, na hindi ko mai-pagmamalaki. Naging matabil ako. Nagsasalita ng hindi nag-iisip. Kaya, naisip kong magbago. ‘Yung kahit anong nangyari sayo, ‘wag na ‘wag kang magsasalita ng masakit laban sa ibang tao. Lalong-lalo na sa kababaihan. Hindi natin dapat hinihila pababa ang isa`t-isa. ‘Wag kang manakit ng tao. Lalo na at wala akong ibang pinakita sa inyo kung hindi kabutihan. Lalo na sayo. Hindi kita kapamilya o kaibigan, pero kahit minsan, hindi kita binastos o kahit na sino sa inyong nagmamahal sa kanya.”
Ang tinutukoy ni Angelica na “nagmamahal sa kanya” ay si Carlo at ang nakakalungkot ay lumalalim ang gap nina Carlo at An-gelica dahil sa ibang tao.
Dapat daw ay kausapin ni Carlo ang kanyang fans na ayaw kay Angelica na tigilan na ang paninira sa actress.
NAGPATAWA PA RIN SA HULING SANDALI NG KANYANG BUHAY
MAY video ng last performance ni Chokoleit bago siya binawian ng buhay last Saturday, March 9 habang nasa Abra para sa Kawayan Festival 2019, na hirap na siyang huminga pero itinuloy pa rin niya ang kanyang pagpapatawa on stage. Makikita rin at mapapansin na pawis na pawis siya paputol-putol na ang kanyang sinasabi dahil hinahabol na niya ang kanyang hininga.
Nang kumanta siya ay hirap na at hinahabol na ang hininga kaya paminsan-minsan ay ang mga tao na lang niya pinakakanta.
Ayon sa report, pagkatapos ng performance ay nagsabi na ito na nahihilo at hirap nang huminga kaya isinugod na siya sa Abra Provincial Hospital kung saan siya idineklarang DOA (Dead on Arrival). Ayon sa attending physician na si Dr. Rosauro Seares ay pulmonary edema and heart attack ang ikinamatay ni Chokoleit.
Comments are closed.