BIANCA UMALI MUKHANG MAGPAPAKA-DARING NA NGAYONG 2020

BIANCA UMALI4

KEBER kahit malamig ang simoy ng hangin noong Kapaskuhan si Bianca Umali.wallface Nag-post si Bianca na naka-string bikini sa latest sexy pictorial niya sa sa isang  beach sa kanyang social media account. Summer in December ang dating.

Maging ang buntis na si Solenn Heussaff ay hindi napigilan ang kanyang pag­hanga sa katawan ni Bianca sa pag-post ng ‘a perfect coca-cola bod’. Maging ang sexy young star na si Sanya Lopez ay bumigay rin sa paghanga sa katawan ni Bianca sa pagsasabing ‘hottieee’.

Ano naman kaya ang komento ng kanyang rumored boypren na si Ruru Madrid? May maikokomento naman kaya ang dati niyang kalabtim na si Miguel Tanfelix?

Tanong tuloy ng isang netizen, paghahanda na kaya ni Bianca ang madalas na pag-post niyang nakasuot ng bikini, para sa pagbabago ng image ngayong 2020? From tweetum to super daring and matured Bianca?

DIREK LOUIE IGNACIO INASAHAN NA ANG PAGTATAPOS NG SPS NANG 2019

BAGO pa pala simulan ang “Sunday Pinasaya” last August, 2015 ay alam na ng director nito na si Louie Ignacio na tatagal lang till 2019 ang SPS since block timer nga ang natu­rang show. Kung kaya may lungkot man ay keri na ni direk Louie na tsugi na muli ang isa pa niyang show.

Ani ng direk Louie, sanay na sanay na siya na natsutsugi ang mga show na dinidirek niya. Ilan na nga ba raw ito pero naipagmamalaki naman ni direk na halos lahat ng show na kanyang hinawakan ay mataas ang rating tulad na lang ng SPS, na simula hanggang sa last episode ay high rating pa rin.

May partisipasyon kaya si direk Louie sa bagong Sunday show ng GMA 7  na “All-Out Sunday” o AOS? Ani ni direk Louie, pahinga na muna siya every Sunday kung kaya nag-beg off siya.

Sa pagpasok ng Bagong Taon ay tututok na muna si direk Louie sa movies, may bago siyang pelikulang ipoprodyus at ididirek, isang movie kung saan si Jo Berry ang napipisil ni direk Louie na magbida kasama si Jaclyn Jose, may tentantive na title na “Unano” and intended for international film festival tulad ng kanyang “Asintado” ni Aiko Melendez at “School Service” ni Ai Ai delas Alas.

Abangan na rin ang malaking pagbabago sa weekly show ni direk Louie na “Sarap, Di Ba?” sa GMA 7, ngayon pagpasok ng 2020.

Comments are closed.