BIANCA UMALI PINAYUHAN NG NETIZEN NA HUWAG MAGPAKA-DARING

hotshotsHINDI nagustuhan ng isang follower ni Bianca Umali sa Instagram (IG) ang ginawa nitong pag-pose ng seksi kamakailan.  Sabi  ay kaunti na lang daw ay mukha nang bold star ang actress.

Okey lang daw kung simple lang ang isinuot niyang damit at hindi ‘yung very revealing outfit na gamit ng mga matured celebrity. Pinayunan pa siya ng follower na huwag masyadong magpaka-daring at huwag  magmadaling  mag-mature.

Sanay na rin sa mga negative comment si Bianca kaya hindi na siya apektado not like before na talagang dinaramdam niya ang mga batikos sa kanya.

Ang pagkakaalam namin ay hindi naman basta nagpa-picture lang si Bianca ng sexy outfit dahil para ‘yun sa cover ng magazine ang pinost niyang la-rawan.

Kung sabagay ay isa lang naman ang nag-react dahil karamihan ay nagandahan sa pose ni Bianca.

Hindi na kailangan ni Bianca na magpaseksi dahil sa totoo lang ay napakalakas ng dating ng actress.  Mukha pa lang ay mabibighani ka na at da-ra­ting ang araw kapag ganap na siyang dalaga ay siguradong pagkakaguluhan siya ng kalalakihan here and abroad.

MIGUEL TANFELIX BAKASYON MUNA SA SHOWBIZ MATAPOS ANG ‘SAHAYA’

miguel tanfelixSAMANTALA, kinatatakutan ng mga supporters nina Bianca at Miguel Tanfelix na baka hindi na sila muling magsama sa pelikula at itong Family History na ang last project nila na magkasama dahil umalis na si Miguel sa Sunday Pinasaya at wala nang eksena sa kanilang ser­yeng Sahaya.

Kahit pa raw sinabi ni Miguel na mag-aaral siya kaya  aalis siya sa kanilang Sunday show sa GMA 7. May nagsabi rin na nag-klik daw ang tamba-lan nina Bianca at Migo, bukod pa nang dahil kay Ruru Madrid kaya nag-decide na si Miguel na magbakasyon muna sa showbiz.

MODUS NG AUDIENCE BUKO NI WILLIE

Hindi  nakaligtas kay Willie Revillame ang bagong modus operandi na nangyayari sa kaniyang TV show na Wowowin. Katunayan ay nag-viral ngayon  ang  video ng pagkakabu­king niya sa isang audience na sumasama sa grupo ng contestant para lang makapasok sa studio at makasama sa mga binibigyan ng “biyaya”  ni Willie.

Last Friday sa episode ng Wowowin sa segment na Hep Hep Hooray ay napansin kaagad ni Willie sa grupo ng contestant ang isang lalaki na lagi raw nandu’n sa studio.

“Nagtataka `ko dito, laging nandito,” say ni Willie at sabay turo sa lalaki.

Kaya tinanong ni Willie ng diretsahan ang lalaki  kung  lagi  ba itong nandito at ang sagot naman nito ay pangalawa pa lang.

Tapos tinanong naman ni Willie ang mga kagrupo ng lalaki kung kilala ba ito at sumagot ang isa na pamilyar lang daw ang mukha nito pero hindi nila kilala.

So, buking na hindi  nga kasama sa grupo ang lalaki at tila ito ang bagong modus para makapasok  sa show at mabiyayaan ng grasya.

Willie Revillame-4Right  there and then ay sinabihan ni Willie ang contestant na disqualified na siya at ang kanyang grupo.

“Hindi, kasi, bawal  yan, may nakapaskel sa labas. Bawal  kayong tumanggap  ng  hindi  n`yo talaga kasama. Kaya sa pag-interbyu ko pa lang, hindi siya kilala eh, “ say pa ni Willie.

Sinabihan din niya ang grupo na hindi dapat pumapayag na masamahan ng iba.

“I`m sorry, disqualified kayo. Ibinabawal po namin dito yan. Kasi kawawa  kayo, nag-aambagan kayo, nagrerenta kayo ng sasakyan, tapos, malolo-ko lang kayo,” pahayag pa ni Willie

Patuloy pa niya, unfair daw kung tatalunin pa ng sumabit  lang ang totoong naghirap na mga contestant na gumastos at nagrenta pa ng sasakyan  pa-ra makapunta ng Wowowin.

“Bibigyan ko kayo ng pamasahe ‘pag  legal na legal kayo, “ say pa ng TV host.

Bale ba, hindi ‘yun ang unang pagkakataong nabuking  ni  Wllie ang raket at sindikato  sa kanyang programa dahil last year ay nabuking din niya na may mga fixer na nag-aalok ng tickets para makapasok sa show.

“Tatandaan ninyo, hindi niyo ‘ko puwedeng lokohin kasi kita ko lahat ng nangyayari dito,” warning ni Willie.

Comments are closed.