NAPASAMA ang kakanin ng Pilipinas tuwing Pasko na bibingka sa mga itinanghal na “Best Cake” sa mundo.
Batay sa ranking ng Taste Atlas, isang International food at lifestyle website, nasa ika-13 puwesto ang bibingka sa ‘Top 50 Best Cakes in the World’.
Nakakuha ang bibingka ng 4.4 na rating.
Ang sangkap ng paboritong kakanin tuwing Pasko ay harina at tubig na hinahaluan ng niyog, keso at itlog na maalat.
Nanguna naman sa listahan ng mga “Best Cake” sa mundo ang Torta Garash ng Bulgaria.
Ang naturang food ranking ay inilabas nitong Hulyo. DWIZ 882