BIBINGKA MUFFINS KAHIT HINDI PASKO

ABRIL na. Matagal nang tapos ang pasko, pero nami-miss mo ang bibingka sa tapat ng simbahan. For sure nami-miss din ito ng kapitbahay mo. Ano kaya kung gawin mong negos­yo? Sa halip na bibingkang galapong, gumawa kaya tayo ng Bibingka Muffins.

Kahit naman anong panahon, popular ang bibingka – kahit hindi Pasko. Talaga namang nakaka-miss ito, kahit pa ang puto bumbong. It brings back childhood memories, ika nga. I miss the bibingka as I remembered back then when I was still living in the Philippines, kaya gumawa ako ng bibingka muffins na sa totoo lang, ang sarap! Mas madali pang gawin, at syempre, mas madali rin itong lutuin dahil pwedeng i-bake na lang sa conventional oven. E kasi naman, walang clay pot sa US, at wala ring dahon ng saging.

Ang sikreto ng bibingka muffin recipe ay ang harina. Hindi wheat flour ang gagamitin natin kundi rice flour. Mas okay sana ang galapong, pero wala ring galapong sa US, kaya tiyaga na lang. Kung walang rice flour sa market, magbabad ng bigas at i-blender hanggang madurog ng husto. Pwede rin namang dagdagan ng konting malagkit.

Sa cooking time, 30 minutes lang, luto na. Hindi ka maiinip. Syempre, lagyan mo rin ng itlog na maalat sa ibabaw, para authentic ang lasa. Sa ating bibingka muffins recipe, makakagawa tayo ng 9-10 piraso. Hindi  ito masisira sa loob ng tatlong araw. Heto po anng recipe:

Bibingka Muffins

Ingredients

  • 2 cups rice flour
  • 2 tablespoons baking powder
  • ¼ teaspoon salt
  • 5 eggs
  • 1½ cups granulated white sugar
  • 6 tablespoons margarine melted
  • 2 cups coconut milk
  • 1 teaspoon vanilla extract
  • 1 salted duck egg sliced
  • ¾ cup shredded cheddar cheese

Paraan ng pagluluto

Painitin ang oven sa 375F. Pagsamahing mabuti ang rice flour, salt, at baking powder at isantabi muna.

Batihin ang mga itlog. Dahan-dahang isama ang asukal habang binabati. Idagdag na rin ang vanilla extract.

Ihalo ang egg mixture sa rice flour mixture. Haluin hanggang maging smooth. Ilagay sa mga muffin cups at i-bake ng 28 minutes. Alisin sa oven.

Pahiran ng margarine ang ibabaw ng bibingka muffins at lagyan ng keso at itlog na maalat. Ibalik sa oven ati-bake uli ng 3 to 5 minutes.

Kapag luto na, alisin sa oven at palamigin.

Ang presyo ay depende kung magkano ang nagastos nyo. Sa US kasi, $1 ang 500 grams ng rice flour pero sa Guadalupe Market, P35 lang. Nung huli akong kumain ng bibingka sa Pilipinas, P50 ang malaki at P25 naman ang maliit, may kasama pang mainit na avocado-pandan tea. Pero ang sigurado ko, masarap ang recipe na ito. JAYZL VILLAFANIA NEBRE