KASADO na ang Bicameral Conference Committee meeting para sa panukalang P4.1 trilyong 2020 national budget.
Base sa statement na ipinadala ng tanggapan ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara, nakatakdang simulan ngayong araw, Nobyembre 29, ang Bicam.
Gaganapin ang naturang pagpupulong sa pagitan ng House of Representative at ng Senado dakong alas-10:00 ng umaga sa Mc Kinley Room, Manila Polo Club sa Lungsod ng Makati.
Nakatakdang dumalo ang mga miyembro ng Bicam ng senado na sina Senators Panfilo Lacson, Cynthia Villar, Pia Cayetano, Sherwin Gatchalian, Christopher Bong Go, Richard Gordon, Imee Marcos, Joel Villanueva, Risa Hontiveros, Grace Poe, Nancy Binay, Kiko Pangilinan, Senate Pro Tempore Ralph Recto, at Senate Minority Leader Franklin Drilon.
Nauna rito, lumusot noong Miyerkoles sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa senado ang panukalang 2020 national budget kung saan 22 senador ang pabor na bumoto na dumalo sa plenaryo ng walang tumututol. VICKY CERVALES
Comments are closed.