SINUSPENDE ng bicameral conference committee ang kanilang paghimay sa Bangsamoro Basic Law.
Ayon kay House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, nakipagpulong pa ang mga lider ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Personal umano nilang idinulog sa Pangulo ang territorial issue at security implications na nakapaloob sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Maliban dito, pag-uusapan pa nila ang lahat ng mga natalakay sa bicam simula noong Lunes na gagawin ngayong araw sa Mababang Kapulungan.
Posible pa aniya itong ma-extend hanggang sa Hulyo 16, araw ng Lunes bago nila tuluyang aprubahan sa bicam ang BBL. CONDE BATAC
Comments are closed.